about us   archives    e-mail us   subscription Shepherd's Voice Publication

Disyembre
Miyerkules


NASA KAMAY MO
Binigyan Mo ng lubos na kapayapaan ang mga taong matapat na tumatalima at nagtitiwala sa Iyo. - Isaias 26:3

Bawat araw ay ginugol niya nang may matibay na tiwala sa pag-ibig ng Diyos. Iyan si Sta. Teresa ng Ni-o Jesus, ang millennium saint. Misyon niya ang "mapaibig ang mga tao sa Diyos at gugulin ang pagtira niya sa langit sa paggawa ng kabutihan sa lupa." Kaya namudmod ako ng nobena at rosaryo ni Santa Teresa bago sumapit ang taong 2000. Nais kong ibahagi sa tao ang pag-asang nakamit sa tulong ni Sta. Teresa.

Ilang buwan pa lamang ng taong 2000, marami na ang natulungan ni Sta. Teresa. Isa na rito si Malen. Tinubuan si Malen ng malubhang tumor at kailangan ang agarang operasyon. Malaking halaga ang dapat bayaran sa ospital na hindi nila kaya. Wala silang masulingan at nagnobena si Malen. Hiningi niya kay Sta. Teresang tulungan sila sa pagluhog sa Diyos ng awa. Hindi pa natatapos ang kanyang nobena'y dumating na ang mga tulong para kay Malen.

Lalong nagsipag si Querobin, ang asawa ni Malen, sa gawaing-simbahan. Maraming napaluha sa kanilang kapatiran nang marinig ang patotoo niya sa kabutihan ng Diyos. Avelita C.


1Basa: Isaias 26:1-6
Salmo 118:1, 8-9,
19-21, 25-27
Ebang: Mateo 7:21, 24-27


PAGNINILAY:
Sa panahong lugaming-lugami ka na sa problema, ipaubaya mo sa Diyos ang kalutasan, at gaya ni Santa Teresa, maniwalang laging bukas ang palad ng Diyos sa pagtulong.


Santa Teresa, sana'y matularan ko ang walang kapantay mong pag-ibig sa Panginoon! Turuan mo akong maging madasalin.


San Abraham ng Kratia,
obispo,
ipanalangin mo
kami.





Copyright 2000 Updated October 2000
Independent Women
webmaster
email:odie@compass.com.ph