about us   archives    e-mail us   subscription Shepherd's Voice Publication

Disyembre
Huwebes


KAYABANGAN
Ibinababa Niya ang mga palalo... -Isaias 26:5

Mayabang, bilib sa sarili. Ganito ako noon. Feel na feel kong napakagaling ko. Ambisyosa talaga. Animo'y kaya kong magpatayo ng isang gusaling may pitong palapag. Gusto kong sumulat ng libro, mag-produce ng TV show, magbigay ng seminar tungkol sa kaligayahan, hibang na ako!

Ano ang nangyari? Dumaan ako sa matinding pagsubok. Labas pasok ako sa psychiatric ward ng isang ospital. Tinurukan ng pampatulog, Tinali ang mga paa't kamay, parang hayop. Kinuryente ang utak. naging bilanggo ako. Mga magulang at asawa ko lang ang puwedeng dumalaw. Naranasan ko ang depresyon ng maraming buwan. Hindi na siguro nakatiis, iniwan ng aking asawa, sumama sa ibang babae.

Ang tawag ko sa mga pangyayaring ito ay humbling experiences. Mga karanasang humila sa akin pababa at hindi na ako masyadong mapagmataas. Tuwing nararamdaman kong lumalaki ang ulo ko, binabalik-balikan ko ang nakaraan. At lagi kong sinasabi sa aking sarili na walang dapat ipagmalaki. Kung sino at saan ako ngayon, utang ko sa Panginoon. Siya ang lumikha, gumagabay at humuhubog sa akin. Nimia G.


1Basa: Isaias 26:1-6

Salmo 118:1, 8-9,
19-21, 25-27

Ebang: Mateo 7:21, 24-27


PAGNINILAY:
Manalamin ka at suriin mo ang iyong kilos at pananalita tungkol sa sarili mo at mga pangarap. Huwag kang Bilib sa Sarili (BSS) o Sobrang Bilib sa Sarili (SBSS).


Panginoon, ibaba Mo ako sa trono ng kayabangan; Hayaan Mong makoronahan ako ng kapakumbabaan at itaas ang kapurihan Mo.


San Eutequio,
papa,
ipanalangin mo
kami.





Copyright 2000 Updated October 2000
Independent Women
webmaster
email:odie@compass.com.ph