about us    archives    e-mail us    subscription Shepherd's Voice Publication

Home Paunang Salita Panimula Artikulo

Kerygma Didache


Asin at Ilaw
Arturo at Marissa Dizon
-Sina Arturo at Marissa ay mga aktibong kasapi ng Couples for Christ. Si Marissa ay isang titser sa Marist School sa Marikina City.

Kailan ma'y hindi namin naisip na makakasama kami sa grupo ng manunulat sa GABAY, lalo na ang aking sister wife na isang "Inglesera."

May karanasan kami sa pagsusulat ng thesis sa paaralan pero hindi sa pagninilay. Nang dumalo kami sa GABAY retreat, iyon na pala iyon! Itinakda ng Diyos na ang mga karanasan naming mag-asawa ay maibahagi sa iba.

Salamat sa Diyos at tinugon Niya ang aming samo't dalangin na maging asin at liwanag kami para sa kapwa. Tama kayang ipakilala namin ang aming sarili bilang sina "Art Salt at Maris Light?"

Kung ang aming sinulat ay magpapalasa sa pagkain ng kaluluwa at magbibigay liwanag sa nadirimlang isip, marahil karapat-dapat nga! Siguro kaya pinadaan kami sa maraming problema ay para maisulat namin na ito'y bahagi ng pagdadarang sa amin ng Panginoon sa apoy upang maihugis kami ayon sa Kanyang plano para sa amin.


Copyright 2000 Updated October 2000
Independent Women
webmaster
email:odie@compass.com.ph