about us    archives    e-mail us    subscription Shepherd's Voice Publication

Home Paunang Salita Panimula Ang Inyong Manunulat

Ipagdiwang ang Kapaskuhan

Salu-Salong Pamilya
Ni Bo Snachez

"Kainan na!" nakayayanig ng sigaw ng Ina. Nagpapanginig sa mga batang nakatutok sa Labs ko si Babes. May pagkakataong akala ko'y malalabanan ko ang kanyang tinig.

"Kainan na!"

Sa pamilya Sanchez, sagrado ang oras ng hapunan. Walang nakakaliban dito, nahuhuli, at di pwedeng umiwas dito. Sabay kaming kumain. Para sa amin dahilan sa paglikha sa mundo. Parang batas ng Grabidad, kung ayaw mong sundin, lumipad ka sa buwan!

Sa hapag kainan, bukod sa kainan, nagdadasal kami, reklamo sa pagkain, kuwentuhan, away at nagsisiklaban sa galit, naglalaro at nagtatalo, at nagmamakaawa para sa dagdag na panggastos.

Matapos ng hapunan, magdarasal ng rosaryo. Isa pang batas na nakataga sa bato.

Maraming gabing hiniling kong hindi sana ganito. Lalo na noong kasikatan ng Charlie's Angels at Wonder Woman. Ngunit kung gugunitain ko ang higit na 20 taong nakalipas, nagpapasalamat ako sa Diyos na mahalaga ang oras ng hapunan at rosaryo sa aming bahay. Ngayong malalaki na kami at bukod na ang tirahan, nabatid ko na hindi lamang ito pisikal, kundi salu-salo ng kabutihan, karangalan, kadakilaan, katapatan, respeto, pagmamahal na hanggang ngayo'y kinalulugdan namin. Sa pagsasalo ay natutunan namin na mahalaga ang kasal, mga anak, mga tao at personal na relasyon sa buhay at pamilya.


ATIN 'TO!
Malaking pagpapala ang mawawala sa mga pamilya kung walang salu-salo. O sabay ngang kumain kung nakapihit naman ang talebisyon kay "Esperanza", walang kuwentuhan. Hindi si "Esperanza ang inaalagaan ninyo. Magaganda nga ang mga kuwento niya ngunit ang mga pangkaraniwan, minsa'y di kpanipaniwala, nakayayamot, marahas, makabagbagdamdaming kuwento ng mga anak ninyo ang nais ninyong pakinggan: Tungkol sa galos na tuhod ni Junior, sa crush ni Kathy, sa mukhang alien na guro ni Billy, sa pangarap ni Beth na maging Miriam Quiambao.

nais din ng mga bata na marinig ang kuwento ninyo! Kuwento tungkol sa trabaho at kung ano ang nakakapanabik dito. Sabihin ninyo kung paano kayo nagkaibigan 60 taon na ang nakaraan. Tiyak higit pa ito sa "Mula Sa Puso."

May pagtatangi sa hindi pagsasalo- katulad ng kampiyonato ng larong basketball. (Puwede kayong sama-samang manood ng laro habang kumakain.) O kung naghahabol para sa kritikal na pagsusulit sa Physics ang inyong anak na lalaki. (Ituring mo itong emergency.)

Ang salu-salo ng kaanak ay sagradong yaman. Pakaingatang na katumbas ng buhay at buwisan ng pawis at dugo.
BACK TO TOP


SALU-SALONG PAMILYA
May ministri ng pagpapagaling si Hesus at pagtuturo. Ngunit iilan lamang ang nakakaalam na mayroon din Siyang "ministri ng pagkain." Buksan mo ang Bibliya. Bilangin mo kung ilang ulit nabanggit si Hesus na kumakain kasama ng mga kaibigan- at kaaway. Lalo na ang mga kolektor ng buwis at mga prostitute. Mga salot sa lipunan.

Sa panahon ng mga Hudyo, nakasalo ka sa pagkain, kaibigan na ang turing sa iyo. May ugnayan na tayo. Ka-pamilya.

Nais Niyang ipaalam na muli tayong tinaggap ng Ama. Na hindi tayo mga kaaway. Na muli na tayong kumain sa hapag ng pamilya. na muli natin siyang tawaging Ama. Kaya ang misa- ang pagkain kasama ang Diyos- ang sentro ng katotohanan at pinakamataaas na antas ng pagpupuri sa Diyos.

Para sa mga Hudyo, bawat pinagsasaluhang pagakain ay kasunduan ng pagkakaibigan. Isang pangako ng katapatan.

Hanggang ngayon, makapangyarihan pa rinang ministri ng pagsasalu-salo ni Hesus. Ipinagpatuloy sa pamamagitan ng Eukaristiya, at bawat pagdiriwang ng misa, inaanyayahan tayo ng Diyos Amang makipagkaibigan sa Kanya. Kapag nahati ang tinapay at naibuhos ang alak, nangangako si Hesus ng katapatan.
BACK TO TOP


MAG-NOCHEBUENA NG SABAY!
May kapangyarihan sa salu-salo. Maging ito'y sa mga miyembro ng pamilya, malalapit na kaibigan, estranghero. Sila ang pinakamaganda, pinakamyamang handog ng Diyos sa atin.

May mungkahi ako sa simula nitong Kapaskuhan:

  • Gawing prayoridad ang salu-salong pamilya sa kainan.
  • Gawing pirmihang karanasan ang salu-salo kasama ang kaanak o malalapit na kaibigan. Itanim ang sarili sa hardin ng pagkakaibigan at tunghayan ang pag-usbong mo.
  • Gawing kalugod-lugod ang pagkain kasama ng mga estranghero.Hayaang buwagin nito ang mga hadlang at ibahagi ang pag-ibig ni Kristo.
  • Gawing Life-changing na pangyayari ang Banal na Misa- ang pag-kain kasama ang Diyos.

Maligayang Pasko!!!
BACK TO TOP





Copyright 2000 Updated October 2000
Independent Women
webmaster
email:odie@compass.com.ph