about us    archives    e-mail us    subscription Shepherd's Voice Publication

Home Paunang Salita Ang Inyong Manunulat Artikulo




Pamaskong
             Patawad

ni Marcia Veras

Awiting Pamasko ang naririning sa palagid. Naglalakihang parol at Christmas tree ang nakapalamuti sa mga department store at mall. Pero bakit hindi ko maramdaman ang sigla ng diwa ng Pasko?

Humahangos kaming pumasok ng aking kapatid na si Fatima sa silid kung saan nakaratay ang aming Tiya. May taning na ang buhay niya. Disyembre 20 noon at nagsilbing Christmas decoration ang mga tubo at kawad na nakakabit sa katawan niya. Ang malalim niyang hininga ang nagmistulang musika sa pandinig niya. Maawa ba ako sa kanya?

Naalala ko ang aking ama. Sana kapiling pa namin siya ngayong Pasko. Nag-resign ako sa trabaho noong taong 1995 upang alagaan si Daddy na inoperahan sa sakit na Brain Cancer. Kapos kami sa pambayad sa ospital kaya umuwi kami ng kapatid kong lalaki sa Bicol upang humingi ng tulong pinansyal sa isang kaanak. Ngunit pamasahe lamang namin pabalik ang naitulong niya sa amin. Sa hangad na maituwid pa si Daddy sa kanyang paghihirap, pumunta kami sa isa pang kaanak. Mahirap man sila'y napahiram kami ng halagang kailangan namin na pangtustos sa pagpapagamot ni Daddy. Ngunit hindi rin nagtagal, sumakabilang buhay din si Daddy nang taong ding 'yon. Nakilamay din ang kaanak naming iyon at gayon na lang ang naramdaman kong hinanakit sa kanya.

Dalawang taon na ang nakalipas at nakapagtrabaho na akong muli sa Maynila, baon pa rin ako sa sama ng loog at hinanakit. Minsang umuwi ako sa Bicol, nabalitaan kong nasa ospital siya at kailangan niya ng Bone Marrow Transplant.

Lumala ang kondisyon niya at inilipat ng ospital sa Maynila. Tumawag ang anak niya para huimingi ng tulong. Sa isang iglap bumalik ang mapait na ala-ala at nais kong tumanggi. Balak kong huwag siyang dalawin, ngunit tatlong taon na rin akong miyembro ng Singles For Christ kaya't bigla akong nagbagong -isip.

Inalagaan ko siya sa ospital. Kahit mabigat ang loob ko, nagawa ko ito sa pagmamahal ko sa Diyos. Pati na rin ang espiritwal niyang pangangailangan, pagtawag ng pari para bigyan siya ng huling sakramento para sa maysakit.

Isang gabi, napanaginipan ko ang aking Tiya na lumulutang. Itinutulak niya ang kisame pataas at pilit na binubuksan. Nang hindi makayanan, aniya sa akin, "Sabi mo pinatawad mo na ako. Bakit hindi ako makapasok sa langit? Baby patawarin mo na ako para makapasok ako sa langit."

Nagising ako at tinignan ko siya na himbing na himbing ang tulog. Nagdasal ako, "Panginoon, pinatatawad ko na siya sa lahat ng nagawa niya sa aming pamilya. ngunit kung may galit pang natitira sa puso ko, bigayn Mo ako ng Iyong grasya na mapatawad siya. Hindi ko ito kayang mag-isa."

Pagkasabi ng duktor na kaunti na lang ang nalalbi niyang oras, sumugod kami ng kapatid ko sa kapilya upang magdasal at naalala ko ang aking panaginip. Pagkatapos naming magdasal, sinabi ng pamangkin kong patay na si Tiya.

Habang hinahatid na namin siya sa huling hantungan, magaan na ang mga paa ko. nagpapasalamat ako sa Panginoon na binigyan Niya kami ng pagkakataong magkabati, kahit hindi kami nakapag-usap sa pamamagitan ng grasyang natanggap namin sa Kanya limang araw bago dumating ang Pasko.

Ngayon ay maluwag na sa puso ko na salubungin ang Pasko dahil natanggap ko na ang pinakamahalagang regalo, ang grasya ng pagpapatawad.


Copyright 2000 Updated October 2000
Independent Women
webmaster
email:odie@compass.com.ph