about us   archives    e-mail us   subscription








Oktubre
Sabado


MASAYANG MALUNGKOT
Dahil dito ay iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, at magsasama sila ng kanyang asawa at sila'y magiging isa..- Marcos 10:7

Umuwi ako sa aming probinsya upang ipaalam sa aking magulang ang pasya kong mag-asawa. Bunso ako sa pamilya at malapit sa aking ina. Hinayaan ko munang matapos ang hapunan bago ako nag-sabi. Dama ko'y mahihirapan ang aking Ina sa katotohanang mahihiwalay na ako so kanyang piling.

Nang mapagtantiya kong panatag na ang kalooban nila, lakas-loob kong sinabing "Itay, inay mag-aasawa na po ako." Tahimik. Maluwag na tinanggap ni Itay at ako'y pinahintulutan. Ngunit ang inay ay patakbong pumunta sa kwarto at humagulgol. Matagal nag-iiyak. Bumalik ako sa Maynila at nagpakasal.

Halos 20 taon na ang nakalipas, mayroon na kaming apat na anak ng misis ko. Naging masaya ang Inay sa pagdating ng mga apo niya. Sa tulong ng Diyos, sabay naming hinarap ang mga bagyong dumaan sa buhay namin at abut-abot ang pasasalamat namin sa mga biyaya Niya. Lalong tumibay ang pagsasama mnamin. Maganda ang bunga kapag sinunod mo ang plano ng Diyos. Pete R.


1 Basa: Genesis 2:18-24
Salmo 128:1-6
2 Basa: Hebreo 2:9-11
Ebang:Marcos 10:2-12


PAGNINILAY:
Sa may mga asawa o may planong mag-asawa, huwag matakot sundin ang plano ng Panginoon. Magtiwala sa Kanya sapagkat ito ang pinakamabuti sa iyo dahil mahal ka Niya.


Salamat Panginoon sa maganda Mong plano nang pagtatag ng isang pamilya. Maghari Ka at maganap nawa ang Iyong kalooban sa lahat ng pamilyang itinatag Mo.


Sta. Keyna,
birhen,
ipanalangin mo
kami.