about us   archives    e-mail us   subscription








Oktubre
Sabado


NANAY
...at si Mariang ina ng Diyos... - Gawa 1:14

Ang aming Emmanuel Household ay nagdaraos ng Bibliarasal tuwing Huwebes at iniiwan ang imahen ni Mama Mary sa mga bahay-bahay sa loob ng isang linggo.

Sabado... uuwi kami ng anak kong si Aizza sa Laguna upang sunduin and bunso kong anak. bago kami umalis, nagdasal kami sa imahen ni Hesus at bukod pa rito, nagpaalam kami sa imahen ni Mama mary at niyakap ko pa ito ng mahigpit, pakiramdam ko'y buhay ang Nanay kong pinagpapaalamanan. Ang sabi ko, "Maman Mary, wala na po akong Nanay kaya ikaw ang Nanay namin, ipagdasal mo po kami sa iyong Anak na si Hesus."

Lingid sa aking kaalaman, nagtalaga ng mga anghel si Hesus para tanuran ang bahay namin at kami rin saan man kami pumaroon. Sa aming pagtawid, pagsakay ng dyip patungong monumento, hindi ko napansin ang isang asul na Tamaraw na biglang nagpreno sa aming tagiliran. Gulat at takot kaming mag-ina. Kung hindi ito nag-preno, siguro'y hindi ko na ito naisulat, patay o di kaya'y nasa ospital kaming mag-ina.

Sa bus, hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking luhahabang nagrorosaryo dahil sa himalang nangyari sa amin. Yolly dS.


1 Basa: Gawa 1:12-14
Lucas 1:46-55
Ebang: Lucas1:26-38


PAGNINILAY:
Si Birhen Maria ay lagi sa ating nagdarasal kaya ang rosaryo ay pahalagahan at idalangin araw-araw.


Inang Maria, salamat po sa walang patid mong pagdarasal sa iyong Anak na si Hesus; Patuloy mo kaming ipagdasal at gabayan sa pakikihamok sa buhay.


San Artaldo,
obispo,
ipanalangin mo
kami.