about us   archives    e-mail us   subscription








Oktubre
Biyernes


BAKIT AKO MAHIHIYA?
Ang nakikinig sa inyo ay nakikinig sa Akin. - Lucas 10:16

"Ang baduy naman nila,"sabi ko sa mga pinapanood kong mga taong naglulundagan, nag-aawitan at nagsasayawan sa prayer meeting. Sampung taong gulang palng ako nang una dinala ng Mommy ko sa prayer meeting. Nababato ako't inaantok dito. Ano bali? Magtataas ng kamay at pasyaw-sayaw! Hindi ko kaya yan! Nakakahiya!

Nasanay ako sa tahimik na dasal, recollection at retreat sa eskuwela. "Bakit tayong nahihiyang magpuri sa Diyos? Dapat buong kagalakan ninyo Siyang purihin at sambahin. Tulad ni haring David, hindi siya nahihiyang ipakita sa mga tao na masaya siyang nagpupuri sa Diyos kahit napagkamalan siyang baliw," pangaral sa amin sa prayer meeting na dinaluhan ko. "Lubos na nasisiyahan ang Diyos kapag tayo'y umaawit ng papuri sa Kanya," dagdag pa.

Tinamaan ako, nakaramdam ng hiya sa Diyos. "bakit hindi ko kayang gawin ang magtaas ng kamay, sumigaw ng papuri, sumayaw at umawit ng buong galak para sa Kanya?" Mula noon, hindi na ako tumatanggi kay Mommy 'pag isinasama ako sa prayer meeting. Joppet C.


1 Basa: Job 38:1, 12-21;
40:3-5
Salmo 139:1-3, 7-10,
13-14
Ebang: Lucas 10:13-16


PAGNINILAY:
Buong puso't isipan kang magbigay papauri sa Panginoon. Kung tutuusi'y kulang pa itong kapalit sa lahat ng kabutihang ginawa Niya sa iyo.


Bakit ako mahihiyang magpuri sa Iyo? Lahat ay aking gagawin mapasaya Ka lamang.


Sta. Maria
Francia Galio,
birhen,
ipanalangin mo
kami.