about us   archives    e-mail us   subscription








Oktubre
Huwebes


ANG TUNAY NA MANA
Ngunit pakatandaan ninyong nalalapit na sa inyo ang paghahari ng Diyos! - Lucas 10:11

Nasa ospital pa lang ang magulang ay nag-away-away na ang magkakapatid tungkol sa mana. "Bakit malaki ang parte ni Kuya Boy, ang sa aki'y halos wala na?"

marami ngayon ang kaso sa korte tungkol sa magkakapatid na nagdedemandahan dahil sa mana. Hindo raw pantay ang hatian. Tunghayan natin kung tama ba na hindi dapat pantay ang mana: Si Boy ay napakabait an anak, masunurin, maalalahanin, mapagmahal sa magulang. Si Lino ang bunso, palibhasa'y spoiled, siya'y alibugho, lapastangan, matigas ang ulo at rebeldeng anak.

Tayo kaya yung mabait sa ating Ama sa langit at sumusunod sa Kanyang utos? O yung matigas ang ulo at hindi nakakaing sa pangangaral ng Diyos? Siguro nama'y alam natin kung saan at ano ang kahihinatnan natin - langit o impiyerno.

Madalas 'pag may lumalapit sa atin tungkol sa Diyos nagkikibit balikat lang tayo at pinagtatawanan ang mga taong ito na para bang sila'y sira-ulo at panatiko. Namumuhay hna tila walang katapusan ang buhay at nakahiga sa kasalanan. Lydia A.


1 Basa: Job 19:21-27
Salmo 27:7-9, 13-14
Ebang: Lucas 10:1-12


PAGNINILAY:
Ang mana sa langit ang dapat nating asamin. Ito kasi ang panghabang-buhay na man at walang katapusang ligaya at yaman.


Lord, gisingin Mo ang mga kapatid namin; Gusto rin namin silang makatikim mg mana mula sa Iyo.


Sta. Galla,
balo,
ipanalangin mo
kami.