about us   archives    e-mail us   subscription








Oktubre
Miyerkules


ANG MGA KAPATID NI HESUS
May lungga ang asong-gubat at may pugad ang ibon, ngunit ang Anak ng Tao'y wala man lang matulugan o mapagpahingahan -Lucas 9:58

Maaga akong nagising. Binuklat ko ang diyaryo at bigal, natauhan ako sa nakita ko. Litrato ng isang matandang pulubi, nakahiga sa kahabaan ng Taft Avenue, walang nakapansin na ito'y patay na. Here lies every man ang titulo ng litrato. Titig na titig ako na ang pakiramdam ko'y isa ako sa mga taong naglalakad. Nakaka-awa. Buto't balat ang kanyang katawan, wala na halos kasuotan, kulay grasa ang kanyang balat at buhok.

Nag-iisa na ba siya sa mundo? Bakit wala man lang lumapit at tumulong sa kanya? naglaalro ito sa isipan ko. Ngunit ano kaya ang gagawin ko o magagawa kung makakakita rin ako ng ganito?

Naalala ko ang baliw na pakalat-kalat sa aming lugar. Minsa'y kumuha pa ito ng bote ng softdrinks sa aming lalagyan at pinagbabasag. Ngunit kapag siya'y nagugutom o nauuhaw, ang unang pinupuntahan nama'y ang aming tindahan. Binibigyan namin ng makakain at maiinom. Napakasarap ng pakiramdam, napakagaan ng aking kalooban kapag nakakatulong sa kapwa. Jopet C.


1 Basa: Job 9:1-12
14-16
Salmo 88:10-15
Ebang: Lucas 9:57-62


PAGNINILAY:
Ikaw ba ay may panahong tumulong sa kapatid mo kapag nangangailangan? Isipin mong si Hesus ang nangangailangan.


Hesus, pangako sa Iyo, lagi kong tatandaan ang sinabi Mo: Kapag tumulong sa nangangailangan, para mo na rin Akong tinulungan.


San Armonio,
ipanalangin mo
kami.