about us   archives    e-mail us   subscription







Oktubre
Martes


RING...RING...
Ito’y lumaki hanggang sa maging punungkahoy at namugad ang mga ibon sa mga sanga nito. -Lucas 13:19

Tumalon ako sa galak sa balitang katatangap ko lamang. Tumawag ang travel agency at nais kausapin ang aking anak. Wala siya noon kaya hinahabilin na lang sa akin na approved na raw ang kanyang U.S. vusa application.

Nagbubukang-liwayway nang umpisahan ang dasal kong isang libong Aba Ginoong Maria. Ito ang nobena na dinadasal ko kung may mahigpit akong kahilingan kay Mama Mary sa mga minamahal ko sa buhay. Hindi pa niya ako nabigo kailanman.

Karamihan nasasagot ang petisyon ko pagkalipas ng isa o tatlong araw pagkatapos ng nobena. Datapwat ‘yaong araw na iyon, nasa siyam na raan pa lamang akong nagdarasal ng Aba Ginoong Maria nang biglang tumunog ang telepono at tumawag nga ang travel agency.

Tunay na ang binhi ng mustasa ng aking pananampalataya’y nagbunga ng punungkahoy ng grasya. Charo G.


1Basa: Efeso 5:21-33
Salmo 128:1-5
Ebang: Lucas 13:18-21


PAGNINILAY:
Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid. (Santiago 5:16)


Salamat, Mahal na Ina sa petisyong sinasagot mo sa lahat ng taong naniniwala sa kapangyarihan na ibinigay sa iyo ng Diyos; Purihin ang Panginoon.


San Quintin,
martir,
ipanalangin mo
kami.





Copyright 2000 Updated October 2000
Independent Women
webmaster
email:odie@compass.com.ph