about us   archives    e-mail us   subscription







Oktubre
Lunes


SALITA
Gayon din ang anumang malaswa o walang kabuluhang usapan at pagbibirong di nararapat. Sa halip, magpasalamat kayo sa Diyos. - Efeso 5:4

Dumalo ako sa isang seminar tungkol sa Speaking Ministry. Ang isa sa pinaka-importanteng mensahe doon sa seminar ay noong sinabi na isa sa pinakamhalagang parte ng ating katawan ay ang ating bibig. Ang bawat salitang bibigkasin natin ay dapat maging kalugud-lugod sa Diyos.

Kalugud-lugod ba ang pagmumura? Paninirang-puri? Ang malaswang salita o birong bastos? Ang kasinungalingan? Ang pagtataray? Ang pagmamayabang? Sikapin nating palitan ang mga salitang ito:

  • ang pagmumura, sa halip, mga salita ng pagmamahal
  • ang paninirang-puri, papuri sa kapwa
  • ang malaswang salita, salitang "malinis"
  • ang kasinungalingan, gawing katotohanan
  • ang pang-iinsulto, gawing pang-eengganyo o pagbibigay lakas loob
  • ang pagtataray, gawing pagpapakumbaba

At kung nagkamali tayo sa alinman dito, bigkasin natin ang mahiwagang salita- "Patawad".Para naman sa ating Panginoon, walang tatamis pa sa mga salitang,"Mahal Kita....Salamat,Ama....Purihan Ka, O Diyos." Nimia G.


1 Basa: Efeso 4:32-
5:8
Salmo 1:1-4,6
Ebang: Lucas 13:10-
17


PAGNINILAY:
Kung wala kang masabi, subukang magpasalamat o magbigay-puri sa iyong kausap. Ganoon din kung tayo ay nagdarasal sa Diyos.


Panginoong Diyos, inaalay namin sa iyo ang bawat salitang bibigkasin namin; Nawa’y kapurihan kang lagi.


San Hermano,
obispo,
ipanalangin mo
kami.





Copyright 2000 Updated October 2000
Independent Women
webmaster
email:odie@compass.com.ph