about us   archives    e-mail us   subscription







Oktubre
Linggo


SHADES
Guro, ibig ko po sanang makakita. - Marcos 10:51

Minsa’y pumasok ako sa isang gusali. "Wala bang gaanong ilaw dito?" isip ko. Ngunit, suot ko pa pala ang aking shades. Dali-dali ko itong tinangggal at mas maliwanag ang tingin ko sa paligid.

Tuwing ako’y lalabas sa umaga, madalas suot ko ang aking shades upang maprotetahan ang aking mga mata sa matinding sikat ng araw.

Hindi man tayo pisikal na bulag tulad ni Bartolome, ngunit kung espiritwal naman ang pag-uusapan, makikita nating naging bulag siya sa katotohanan. Hindi nila nakikita ang sariling pagkakasala. Sabi nga, "Bakit kailangan kong mangumpisal? Wala naman akong pinatay, hindi rin ako nagnakaw. Ni wala nga akong ikukumpisal." Hindi ba tayo nabubulagan sa ating pagmamagaling? Paano ang mga taong nasaktan natin?

Minsan, hindi nga tayo nagkakasala, ngunit inaakay naman natin ang kapwa na sila ang magkasala. Sa mga pananaw natin sa buhay, naapektuhan natin ang paniniwala at paninindigan ng kapwa. Kung hindi na nagiging masigla ang tingin mo sa mundo, magpalit ka ng salamin o shades at tingnan mo ito sa pananaw ng Panginoon. Anonimo


1 Basa: Jeremias 31:7-9
Salmo 126:1-6
2Basa: Hebreo 5:1-6
Ebang: Marcos 10:46-52


PAGNINILAY:
Ano ba ang tingin mo sa mundo? Anu-ano ang higit mong nakikita, positibo o negatibo? Maging masaya ka sanang lagi.


Linawin mo, O Kristo, ang aking pananaw sa buhay at sa mundo; Akayin mo ako sa tamang pag-iisip at huwag namang pag-isipan ng masama ang kapwa.


San Narciso
ng Herusalem,
obispo,
ipanalangin mo
kami.