about us   archives    e-mail us   subscription







Oktubre
Sabado


SINTUNADO
...Tinawag niya ang kanyang mga alagad...tinawag niyang mga apostol. - Lucas 6:13

"Ayaw kong kumanta. Alam mo namang sintunado ako, nang-iinis ka naman yata eh." Ito lagi ang sinasabi ng matalik kong kaibigan sa amin tuwing pinakanta namin siya. Oo nga, at talagang sasakit ang iyong tenga sa oras na siya’y kumanta.

Ngunit laking gulat namin nang mabalitaan naming kasali siya sa choir. Ang sintunadong boses na iyon ang siyang naging daan upang makaglingkod siya sa Panginoon. Nag-aaral siya sa U.P. Los Banos at sa loob ng kanilang paaralan ay may simbahan kung saan naimbitahan siyang sumapi sa choir. At nagturo pa siya roon sa kanyang kapatiran tungkol sa musika.

Tunay ngang kapag ika’y tinawag ng Makapangyarihang Diyos, ang mga bagay na wala sa iyo’y mapapasa-iyo at mapapalago mo ito. Tunay ngang ang ating Panginoon ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Hindi mahalaga ang sintunadong boses sa paglilingkod sa Diyos. Ang importante’y bukal sa kalooban mo ang maglingkod at puno ng pag-ibig ang puso mo. Mary Joy M.


1 Basa: Efeso 2:19-22
Salmo 19:2-5
Ebang: Lucas 6:12-16


PAGNINILAY:
Sintunado ba ang boses mo? O baka naman yang hindi makuha ng puso ang tono ng hangaring maglingkod. Alamin muna ang pakay mo sa paglilingkod para hindi ka masintunado.


Pakiwari ko’y hindi ako karapat-dapat na paglingkuran ka, O Hesus na aking Hari; Ngunit tawagin mo lamang ako’t tutugon ako sa abot ng aking makakaya.


San Salvio,
obispo,
ipanalangin mo
kami.