about us   archives    e-mail us   subscription







Oktubre
Biyernes


HANDOG
Ang bawat isa sa ati’y binigyan ng tanging kaloob, ayon sa sukat na ibinigay ni Kristo. - Efeso 4:7

Isang bagong kotse ang gustong matanggap ni Jose buhat sa kanyang ama. Ngunit may mahalagang negosyong aasikasuhin si Don Juan sa Austrilia kung kaya’t hindi siya makakadalo sa kaarawan ng anak upang ibigay ang hinihiling ng binata. Kaya naman ipindala na lamang ang regalo.

Nakasulat sa regalo, 'Anak, lagi mong babasahin ito dahil nandito ang salita ng Diyos, at ang susi ng buhay. Hanapin mo lang."

Sa kalagitnaan ng bertdey party ni Jose’y dumating ang drayber ng ama na dala ang kahon. Laking gulat ni Jose nang buksan ang regalo. "Isang bible. Ano’ng gagawin ko dito?" labis na nainis si Jose. Wala na nga ang ama, hindi pa niya natanggap ang inaasahang kotse. Sinunog niya ang bibiliya na siyang labis na pinananghihinayangan ng ama. Inipit pala dito ni Don Juan ang tsekeng pambili niya ng kotse.

Lahat tayo’y pinagkalooban ng Diyos ng tanging handog. Madalas nating hindi napahalagahan ang mga ito. Saliksikin natin ang kanyang mga handog at higit pa sa ating mga inaasahan ang ating matutunghayan. Leilani G.


1 Basa: Efeso 4:1-6
Salmo 24:1-6
Ebang: Lucas 12:54-59


PAGNINILAY:
Sa bawat isa, may kaloob ang Diyos. Napuna mo ba? O higit ang pagtingin sa sarili kaysa sa iba? Talento mo ay naagmula rin sa Kanya.


Panginoon, imulat mo ang mga mata ko upang makita ko ang mga handog mo sa akin na ibigay mo para sa ikakabuti ng ugnayan ko sa Iyo.


San Otteran,
abot,
ipanalangin mo
kami.