about us   archives    e-mail us   subscription








Oktubre
Huwebes


ANAY
Manugang na babae laban sa biyenang. - Lucas 12:53

Ang ama ang haligi ng tahanan, ang ina ang ilaw, ang mga anak ang mahalagang sangkap. Ang biyenan ang “anay.” Maraming angal sa mga biyenan, pero ang mga biyenan ko noong nabubuhay pa’y kaibigan, magulang, tagapayo, patnubay at katuwang sa buhay at sa buhay.

Pangkaraniwan sa mga bagong kasal ang nais bumukod ng tirahin upang magsarili. Sa panig naman ng magulang, hangga’t maaari’y ayaw iwalay ang mga anak. Kung nagkakasundo ang magbiyenan, walang sabagal sa pagtutulungan. Pero kung ang malasakit ng biyena’y itinuturing na panghihimasok ng manugang, iba ang usapan at maaring patunguhan. Sa mga manugang, iisipin nga niyang anay ang biyenan.

Taliwas ito sa kasaysayan ni Ruth na kahit nabiyuda na’y hindi iniwan ang biyenang biyuda. Dalalawa ang aklat sa ating bibliya na hinango sa pangalan ng babae, ang aklat ni Ruth at Ester. Kay Ruth ipinakita ang dakilang pag-ibig at kay Ester, ang tapang ng isang babae na harapin ang mga panganib. Art D.


1 Basa: Efeso 3:14-21
Salmo 33:1-2, 4-5,
11-12, 18-19
Ebang: Lucas 12:49-53


PAGNINILAY:
Hindi ba kayo magkasundo ng biyenan mo? Idalangin mo sa Panginoon na ituro sa iyo ang daan tungo sa inyong pag-uunawaan.


Dalangin ko, Ama, na mabawasan na ang alitan sa mga tahanan, pamilya o bayan; Sa halip, pag-ibig at unawaan ang umiral upang gumaan ang mga pasanin.


San Eata,
obispo,
ipanalangin mo
kami.