about us   archives    e-mail us   subscription








Oktubre
Miyerkules


KAYAMANAN
Kaya ma’y dapat humanda, sapagkat darating ang Anak ng Tao oras na hindi ninyo inaasahan. - Lucas 12:40

Kuwento ni Leo Tolstoy, may isng mayamang lalaking ginagamit ang salapi para makamit ang lahat ng gusto. Sa pag-aakalang ganito rin sa kabilang buhay, nagbilin siysng maglagay ng mga ginto sa kanyang kabaong.

Nang mamatay ang lalaki, narating niya ang langit na guton na gutom na siya. May nakita siyang anghel na nagbebenta ng masarap na pagkain. Sabi na, pareho lang ang sistema dito sa langit.

Nilabas niya ang isang ginto para bumili. Sabi ng anghel, “Hindi tinatanggap dito ang perang ipinamigay. Isipin mo noong ka sa lupa, may ibinahagi ka ba sa kapwa mo?

Hindi masamang maging mayaman sa mga biyaya na galing sa Diyos at pinahiram lang sa atin upang ipamahagi sa iba. Ngunit may kaibahan ang mayaman sa mata ng Panginoon. Ang mayaman sa mata ng tao’y ‘yung kumpleto sa appliances, may malapalasyong bahay at malaking dollar account. Ngunit hindi makuntento.

Ang maging mayaman sa mata ng Diyos ay ang pagtanaw sa susunod na buhay. Ang mga taong namumuhay para sa kinabukasang ito ang tunay na mayaman. Nasa kanila ang buhay na walang hanggan sa langit. Fr. Rudy H.


1 Basa: Efeso 3:2-12
Isaias 12:2-6
Ebang: Lucas 12:39-48


PAGNINILAY:
Ang paghahanda para sa pagdating ng Diyos ay tulad ng paghahanda sa Graduation Day at ang ating diploma ang tiket papasok sa langit.


Mahal kong Diyos, ikaw ang kayamanan. Higit ka sa ginto at pilak at ikaw lamang ang aking aasamin.


San Gaudentio,
obispo,
ipanalangin mo
kami.