about us   archives    e-mail us   subscription








Oktubre
Lunes


PANDIKIT
At sa pamamagitan Niya, nagkaugnay-ugnay ang bawat bahagi ng gusali at nagiging isang templong banal. - Efeso 2:21

"Wow, ang galing." Doon sa isang komersiyal, ipinakita kung paano pinagdikit-dikit ang iba’t ibang bagay sa pamamagitan ng glue - kakaibang pandikit. Iba’t ibang materyal ang pinagdugtong-dugtong - may kahoy, plastik, bote, bakal- ipinakita na talagang mahusay ang glue na ginamit.

Si Hesus ang pandikit ng simbahan. Dahil sa kanya, nagkabigkis-bigkis ang lahat ng kapatirang Katoliko. Siya ang nag-uugnay sa mga taong sumasampalataya sa kanya. Kahit na iba’t aba ang ating background, katayuan sa buhay, ang ating nakalipas, ang ating kasalukuyan, kahit ang ating hitsura. Ang mga magagaan ay idinidikit niya sa mga bigatin.

Kahit ano ka pa, kahit sino ka pa, ikaw, ako at sila’y pag-iisahin ni Kristo sa buhay mo. Buhay mo’y lalagyan ng sigla sa pag-uugnay natin. Nimia G.


1 Basa: Efeso 2:12-22
Salmo 85:9-14
Ebang: Lucas 12:35-38


PAGNINILAY:
Kung nararamdaman mong napapalayo ka sa isang tao--isang kamag-anak kamag-anak o kaibigan--mahalin mo siya tulad ng pagmamahal sa iyo ng Diyos at tiyak, together again!


O Diyos, tunay na makapangyarihan ang pag-ibig mong lubos. Dakila mong pag-ibig na nagbigkis sa amin; Patatagin mo ang aming ugnayan


San Felix,
obispo,martir,
ipanalangin mo
kami.