about us   archives    e-mail us   subscription








Oktubre
Lunes


PAGHANDAAN
Kanino mapupunta ang mga bagay na inihanda mo? - Lucas 12:20

"Kung may isang bilyong piso ka, ano ang gagawin mo dito?" Ito ang napagusapan naming mag-asawa isang umaga. "Pupunta ako sa iba’t ibang bansa. Kakain ako sa mga mamahaling restoran at gagawa ng libro ukol dito. Sikat na ako, enjoy pa." Sabi ko. Lumabas din ang laman ng puso ko. Sadyang mahilig ako sa mga bagay na nagdudulot ng aliw, luho ng katawan. Gayong sabi ni Lord, "Puro pagpapasarap ‘yang inaatupag mo sa buhay. Ililigtas ko ang Kaluluwa mo. Hugasan ko ang maitim mong puso ng aking dugo upang maging kasing puti ng niyebe." Mahirap mag-Rescue 911 si Lord. Maraming tinanggal sa buhay ko. Unang nawala ang pera sa buhay ko. Pangalawa ang asawa kong nagalit sa akin dahil sa pera. Tapos nagkasakit ako sa puso at likod at na-ospital. Suko na ako. Gutay-gutay akong nagbalik loob sa Panginoon. Mahirap man, maluwag kong pinasan ang krus ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ngunit ang mga ito ang naglilinis ng puso ko. Para sa kaluwalhatian ng Diyos na ang paghandaan ko. Rosanna MG.


1 Basa: Efeso 2:1-10
Salmo 100:2-5
Ebang: Lucas 12:13-21


PAGNINILAY:
Kung may isang bilyong piso ako, ano ang gagawin ko dito?


Hesus, pasan ko ang krusko; Salamat sa mga ito at nagbabago ako; Lumalalim ang pag-ibig ko sa iyo.


San Teodora,
ipanalangin mo
kami.