about us   archives    e-mail us   subscription








Oktubre
Linggo


KABALIGTARAN
Sapagkat ang Anak ng tao ay naparito, hindi upng paglingkuran kundi upang maglingkod... - Marcos 10:45

Sa ating wika’y may salitang baligtaran pero bali-baliktarin ma’y may sumisibol na kahulugan. Gabay-Yabag, Talas-Salat, Pisi-Isip, Tapat-Apat, Sala-Alas at marami pang mga halimbawa ang ating maisisiwalat.

Hindi naiiba ang halimbawa ni Hesus. Habang tumataas, ayon kay Kristo’y dapat mas mababa ang loob ng tao. Sa mga kasapi ng Kristiyanong Komunidad, habang tumataas ang tungkuling hinahawakan, lalo pang itinuturing na lumalawak ang nasasakupang pinaglilingkuran. Sana sa pamahalaan at pagawaan ay gayon din. Parang isang ama na lingkod ng asawa, mga anak at buong pamilya. Lumalawak ang sambayanan ng Diyos na pinaglilingkuran.

Pero bakit sa atin tumbalik ang nangyayari? Sa gitna ng mga tagumpay at pagtaas ng tungkulin o kabuhayan, tayo’y nagiging palalo at mayabang. Para tayong lumulutang at hindi sumasayad ang mga paa sa lupa. Kung si Kristo’y humilig dito sa lupa para paglingkuran tayo, bakit tayong namumuno, ang gusto nati’y tayo ang pagsisilbihan at laging masusund?

Bakit nga kaya? Art D.


1 Basa: Isaias 53:10-11
Salmo 33:4-5,18-20,22
2Basa: Hebreo 4:14-16
Ebang: Lucas 10:42-45


PAGNINILAY:
Lasing ka ba sa tagumpay? lumingon sa pinanggalingan mo, galing ka rin sa wala. kung patuloy kang magiging mayabang, baka sa wala ka damputin.


Iwaksi mo, Panginoon, ang kataasan ng loob ko nang ako’y maging saksi at halimbawa ng Kristiyanong paglilingkod nang buong kababaang-loob.


Sta. Alodia at
Nunilo, birhen
martir,
ipanalangin mo
kami.