about us   archives    e-mail us   subscription








Oktubre
Sabado


MARAMING TENKYU
"...walang humpay ang pasasalamat ko sa Diyos para sa inyo" -Efeso 1:16

‘Pag masama ang loob ko, nalulungkot at walang magawa dahil walang pera, alam n’yo ba ang ginagawa ko? Nagbibilang ako ng mga biyaya! Nakalimutan ko palang magpasalamat'

Ang kaloob Niyang buhay sa atin (Kung hindi ka ipinanganak, na-enjoy mo kaya ang mga masasayang yugto sa buhay mo?); ang pagtubos Niya sa ating mga kasalanan (Saan kaya tayo tutungo kung hindi Niya ginawa ito?); ang buhay na walang hanggan (Doon, may sari-sarili tayong kuwarto o mansyon.); ang kalikasan (ang mga mundo, bituin, buwan at araw); ang mga modernong imbesyon na nagpapagaan sa ating buhay (computer, teleponong may call waiting, microwave, pager); ang mga blessing in disguise tulad ng problemang nagpalapit sa mga miyembro ng ating pamilya.

Higit na maraming dapat ipa-tenkyu kaysa ireklamo. Kung tutuusin, hindi ka na gaganahang magreklamo ‘pag inumpisahan mong magpasalamat. Mahihiya ka pa nga at hihingi ng tawad dahil sa dami nang ibinigay ni Lord, panay pa rin ang hingi at reklamo mo. Aba, abuso na ‘yan! Nimia G.


1 Basa: Efeso 1:15-23
Salmo 8:2-7
Ebang: Lucas 12:8-12


PAGNINILAY:
Isa ring mabisang lunas sa pagkainggit ang pagpapasalamat sa mga biyayang meron ka. Kaya kung meron ang iba na wala ka, isipin ang bagay na alam mong bigay ni Lord.


Salamat, Panginoon, maraming salamat; Sa bawat sandali, aming bukambibig ay Salamat! Tanawin nawa namin na pagpapala ang mga kaloob Mo sa amin.


San Fintan,
abot,
ipanalangin mo
kami.