about us   archives    e-mail us   subscription








Oktubre
Biyernes


TIWALA, NAWALA
Maging ang buhok ninyo’y bilang nang lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa mga maya. -Lucas 12:7

Minsan nagtiwala ako sa matalik kong kaibigan. Magkapatid na ang turingan namin. Magkasama sa kapatiran. Ipinagkatiwala ko sa kanya ang mga lihim ng buhay ko pati na ang pananalapi. Dahil sa pagsusumamo niya, ipinagkatiwala ko ang ipon kong pera at inilipat ko sa kanyang kumpanya at ngmga kaibigan niya. Hindi nagtagal, nagsara ang kanyang kumpanya pati na rin ang kumpanya ng kanyang kaibigan. Naglaho ang ipon kong nilaan para sa pamilya ko’t pagpapagamot ng asawa ko.

Sa una,y hindi lubusang matangggap ang mga pangyayari. Bakit ako nagtiwala nang lubusan sa isang taong makasarili?

Makalipas ang mahigit isang taon, natutunan kong ialay ang lahat sa Panginoon at ibaling sa kanya ang buong tiwala ko. Siya lamang ang tapat, lalo na sa kanyang pangako dahil tunay siyang nagmamhal sa akin. Mas mahalaga tayo sa mga maya o anumang bagay sa mundo. Dahil dito, hindi ako dapat matakot, sampu ng aking pamilya sa darating pang panahon. Sa ngayon ay unti-unti na naman akong nakakabangon. Salamat sa Diyos. Pete R.


1 Basa: Efeso 1:11-14
Salmo 33:1-2,4-5
12-13
Ebang: Lucas 12:1-7


PAGNINILAY:
Dumaranas ka ba ng kasawian sa buhay? huwag matakot. Tawagin Siya, nariyan lamang Siya sa tabi mo. Magtiwala ka.


Panginoon, salamat sa Iyong espesyal na pagtingin sda akin; Anuman ang mangyari patuloy akong magtitiwala sa Iyo.


San Andres,
martir,
ipanalangin mo
kami.