about us   archives    e-mail us   subscription








Oktubre
Lunes


MGA ANGHEL AT MGA BATA
Sinuman na nagpapakababa ng gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa mga pinaghaharian ng Diyos.

Ang Kapistahan ng Guardian Angel ay karaniwang iniuugnay sa mga anghel. Ngunit marami na ang nakalimot sa araw na ito nang matuklasan na si Santa Claus.

Ngunit hindi tulad ng mga guardian angel si Santa Claus sapagkat siya ay likhang-isip lamang. Ang mga anghel, totoo, hindi alamat. Wala sila sa mundo nina Cinderella, Snow White, at Jack and the Bean Stalk.

Bakit natin ginugunita ang mga guardian angel? Sangguniin ang dalawang bagay na kailangang gawin na may kinalaman sa mga bata. May dalawang aral na kaugnay nito: Una, gayahin sila. Gayahin sila at sundin ang mga halimbawa nila. Pangalawa, maging tulad tayo ng mga bata. Tanggapin sila bilang mga tagapangalaga natin. Ang malungkot dito, labis tayong nagsasarili sapagkat iniisip natin na kaya nating mabuhay nang mag-isa. Kung minsan, maari ring isiping mabubuhay tayo nang walang Diyos.

Sa Kapistahan ng mga Guardian Angel, hinihingi sa atin ang dalawang bagay. Na pangalagaan natin ang isa't isa. At maging handa tayong tanggapin ang pangangalaga ng isa't isa para sa atin. Msgr. Soc V.


1 Basa: Exodo 23:20-23
Salmo91:1-6, 10-11
Ebang: Mateo 18:1-5, 10


PAGNINILAY:
Nakakita ka ba ng isang batang gusgusin? Anghel iyon, ngitian mo!


Itinataas ko ang mga bata sa iyong harapan, basbasan at gabayan sila sa kanilang pagtanda; Magtalaga ng mga anghel bukod sa kanilang anghel de la gwardiya.


San Eluterio,
martir,
ipanalangin mo
kami.