about us   archives    e-mail us   subscription








Oktubre
Huwebes


MAKABAGONG APOSTOL
Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at ng mga apostol.- Lucas 11:49

"Gusto mong umattend ng prayer meeting namin? Masaya doon. Puro kantahan at sayawan. Makakalimutan mong iyong problema at talagang mafi-feel mo ang presence ni Lord."

Ito ang karaniwang maririnig sa mga makabagong apostol ngayon. Iba’t ibang estilo ang ginagamit upang mapalapit lang ang isang kaluluwa sa Panginoon. Ang iba’y tumatawag pa sa telepono. Mayroong tumatayo sa gitna ng mga mataong lugar at doon ipinoproklama ang Mabuting Balita ng Diyos.

Ang lahat ng ito’y kagagawan ng Espiritu Santo. Gumagamit siya ng mga kasangkapan upang mahanap ang mga nawawala at maakay sa liwanag ang nasa dilim.

Natutuwa ako sapagkat ginagamit din niya ako upang maglapit sa kaluluwa sa Diyos. Isang karangalan sa akin ang maging instrumento niya. Sa aking karanasan, hindi madaling mag-evangelize. May nakukulitan, nababaduyan o nakokornihan sa mga ginagawa ko. Minsa’y umiiwas pa. Ngunit patuloy pa rin ako sa mga gawain ko sapagkat alam kong sa huli’y magtatagumpay din si Lord. Vines T.


1 Basa: Efeso 1:3-10
Salmo 98:1-6
Ebang: Lucas 11:47-54


PAGNINILAY:
Pagod ka na ba sa iyong pangungulit? Huwag kang susuko. Magwawagi rin si Lord sa laban.


Tulungan mo akong maging masigasig na disipulo mo, Panginoon; Isang karangalan ko ang pagsilbihan ka nang buong puso, isip, kaluluwa’t espiritu.


Sta. Cleopatra,
balo,
ipanalangin mo
kami.