about us   archives    e-mail us   subscription








Oktubre
Martes


HINAY- HINAY.
...Panampalatayang nakikita sa gawang udyok ng pag-ibig. - Galacia 5:6

Hoy, sister, high pitch ka sa mike. Nagulat ako sa puna ng isang kapatid ko sa community at parang may malamig na hangin na lumukob sa akin.

First time kong nag-moderator sa harap ng malaking grupo at sa sobrang kaba, napataas at napalakas ng boses ko. May naririnig pa nga akong nagsalita, Huwag kang galit. Nang tumayo ako sa harapan nila, taglay ko ang pananampalatayang kaya ko ito at simpleng mapaglingkuran ko sila. Nakalimutan ko ang bulong ng aking Ama sa itaas na, Anak, huwag magmadali, dahan-dahan ang pagsasalita at lagyan ng lambing.

Matapos akong sitahin ang isang sister, malumanay na akong nagsasalita nang hawakan kong muli ang mikropono. Hindi sapat ang simpleng maglingkod lamang kundi maglingkod ng may pagmamahal. Kung may pagmamahal sa puso, kakayanin natingf tangggapin ang anumang dapat iwasto o puna mula sa kapwa. Bagkus susundin natin ang turo ng diyos na mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili. Sa gayon, malugod nating magagawa ang bagay na ikalulugod ng bawat isa sa atin. Mai S.


1 Basa: Galacia 5:1-6
Salmo 119:41, 43-45
47-48
Ebang: Lucas 11:37-41


PAGNINILAY:
Bakit gusto mo ay Music Ministry ka lang o tagapangaral? Dahil nakikita ka ng tao? Bakit ayaw mong subukan ang maging prayer warrior? Tago ka nga ngunit hindi lingid kay Lord ang pag-ibig mo sa Kanya.


Lagi naming aalalahanin, Panginoon, na ang pinakadakila ay ang pag-ibig, kung saan kami nagmula; ikaw ang Dakilang Pag-ibig na sumasakop sa mga pusong laan sa Iyong kapurihan.


San Juan,
ang Unano,
ipanalangin mo
kami.