about us   archives    e-mail us   subscription








Oktubre
Lunes


BATO
Magpakatatag nga kayo -Galacia 5:1

Isa sa mga kaloob sa akin ng Panginoon ay ang katatagan ko sa mga panhon ng bagyo’t unos na dumating sa buhay ko. Wala pa akong personal na relasyon sa Panginoon, taglay ko na ito, ano pa’t umigting ito sa pagpasok ko sa Charismatic Renewal?

Napakarami na ring problema ang naranasan ko: naroong dumarating ang kahirapan sa buhay namin halos walang makain ang aming pamilya; away dito, away doon ng mga magulang ko; kapatid na mahilig sa bisyo’y nauwi sa problema, at marami pang iba. Wala pa man akong personal na relasyon sa Panginoon, nagawa ko pa ring maging matatag sa mga pagsubok at lalo akong kumapit sa kanya.

At lumipas ang siyam na taoon sa renewal. Nananatili pa rin akong matatag sa kabila ng hindi birong mga problemang dumating sa akin, kasama na ang mga pang-uusig. Alam kong kung hindi ako kumapit sa kanya at hindi ako naging mas matataag sa dumaang mga unos at bagyo, hindi ko malalampasan ito at lalo wala sana ang sharing na ito. Ammie S.


1 Basa: Galacia 4:22-24,
26-27, 31-5:1
Salmo 113:1-7
Ebang: Lucas 11:29-32


PAGNINILAY:
Konting problema lang, natataranta ka na. Matuto kang lumuhod at magdasal. Sagot ka ni Lord.


Panginoon, tulungan mo akong maging matatag nang hindi basta-basta magigiba ang pananalig ko sa anumang bagyong dumarating sa buhay ko.


San Berkario,
abot,
ipanalangin mo
kami.