about us   archives    e-mail us   subscription








Oktubre
Linggo


YES, SIR.
Ano pa ang dapat kong gawin upang makamit ng walang hanggan? - Marcos 10:17

Bilang college student, nagdaan ako sa pinakakaiwasan ng mga lalaking tulad ko- mag ROTC. Sino ang matinong magpapasakop sa mga hindi niya kilala? Kung anu-ano pa ang pinagagawa: push-up sa konting pagkakamali, bulyaw sa makupad kumilos. Sunog ang balat dahil bilad sa araw. Basa sa ulan, tagos hanggang buto.

‘Pag tanungin ako kung para saan ang ROTC, ang isasagot ko. Huh? May silbi ba iyon? Sino ba ang mga opisyal namin para gawin iyon? Dahil itinalaga sila ng sistema. At bakit nila kami napapasund? Takot kaming hindi makagraduate. Alam naming pati sila’y nahihirapang magpasunod sa sarili.

Kung tutuusin ang mga misyonero’y di hamak na mas mahirap pa ang nararanasan. Kung itatanong kung ano ang nag-udyok sa kanila sa gawain, iisa ang sagot - pag-ibig. Pag-ibig sa kapwa dahil sa kung wala kang pag-ibig sa kanila.

Ang mga misyonero, mga lingkod sa community, mga pari, atbp. Ay agad sumusunod sa Diyos dahil tayo ang unang minahal Niya. Nimia G.


1 Basa: Karunungan 7:7-11
Salmo 90:12-17
2Basa: Hebreo 4:12-13
Ebang: Marcos 10:17-27


PAGNINILAY:
Sa pagpapatotoo, sumunod sa mga ipahihiwatig na kailangan mong gawin. Baunin mo ang pagmamahal ni Kristo sa iyo.


Narito ako Panginoon, gawing sugo Mo at taga-akay ng mga tupang nawawala; Dahil sa Iyong pagmamahal, handa ako sa tawag Mo.


Sta. Tekla,
birhen,
ipanalangin mo
kami.