about us   archives    e-mail us   subscription








Oktubre
Biyernes


KABANALAN PUWEDE
Ang hindi panig sa Akin ay laban sa Akin… - Lucas 11:23

Minsan sa Intercessory Prayers nami’y nagdasal ako ng ganito, Lord, gawin Mo akong banal.

Lumipas ang mga buwa’y hindi pa rin ako banal. Marami pa rin akong ginagawang kasalanan. Parang gusto kong talikuran ang aking balak na maging banal. Buti na lang at nag-attend ako ng seminar at tinanong ko ang speaker kung ang pagiging banal ay gawain lang ng mga santo noon at hindi oobra sa kapanahunan ngayon.

Sabi niya’y ganito, Wag kang mawalan ng pag-asa at patuloy na magsumikap maging banal. Hindi tumitingin ang Diyos sa tagumpay mo kundi kung paano mo ito pinagtagumpayan. Di baleng wala ka pa sa finish line. Ang mahalaga sa Diyos pinagsisikapan mo ito.

At humakbang nga ako ng isa. Sinunod ko ang bagong batas sa pagbabayad ng buwis. Kahit sabi nila’y ako lang daw ang mag-isang sumunod. Sa isang hakbang ko’y humakbang si Lord ng 99 steps. Tinanggal ako sa trabaho! Shock ako kasi single parent ako. Purihin ang Diyos! Kahit wala akong pera’y naihakbang ko ang aking paa sa kabanalan kahit isang hakbang lang ‘yon. Anonimo


1 Basa: Galacia 3:7-14
Salmo 111:1-6
Ebang: Lucas 11:15-26


PAGNINILAY:
Higit na ikalulugod ng Panginoon ang paghihirap at pagsusumikap


Panginoon, basbasan ako sa hangarin kong maging banal; Gabayan Mo akot iligtas sa anumang tukso t atake ng kalaban upang akoy maudyukang magkasala.


San Congan,
abot,
ipanalangin mo
kami.