about us   archives    e-mail us   subscription








Oktubre
Huwebes


GOODBYE L.I.
Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! - Lucas 11:13

Nag-iisa akong nag-retreat sa Pakil, Laguna. Malayo sa siyudad, malapit sa kalikasan. Tanaw ang mga bundok gayong ito’y nasa paanan ng bundok. Napaligiran ako ng mga bungangkahoy. Tahimik. Walang radyo, walang telepono, walang telebisyon.

Sa panahong iyon, nag-SOL (State of Life discerment) ako. At naalala ko ang sinabi ng isa kong spiritual director na si Sister Mari, Ilalagay ka ng Panginoon sa isang estado kung saan ika’y lalago sa pananampalataya.

Mayroon akong love interest (LI) o crush, pero secret! Akala ko siya na! Aba, sa retreat ko, malinaw na sabi ng Diyos, Hindi siya ang para sa iyo! Kung siya na nga, hindi ako lalago. Hindi ko magagawa ang mga pinagagawa sa akin ng Panginoon tulad ng magsulat para sa Kanyang Kaluwalhatian. Masyado akong makukulong sa bahay. Magkukulang ang oras ko para sa Diyos.

Kaya, good-bye L.I.! Siyempre, masusunod ang aking Big Boss. At sa ngayon, ang palagi kong tinatanong sa sarili ko (kung mayroon akong gagawin o kailangan akong magdesisyon)- Makakapagbigay ba ito ng kaluwalhatian sa Diyos? Nimia G.


1 Basa: Galacia 3:1-5
Lucas 1:69-75
Ebang: Lucas 11:5-13


PAGNINILAY:
Suriin mo ang mga ginagawa mo sa isang araw. Alin doon ang hindi makaluluwalhati sa Diyos? Itigail na.


O Diyos, O Panginoon, buong buhay koy inaalay para sa iyong Kaluwalhatian; Batid kong lalago ako kung nasa kandungan ako ng Iyong pagmamahal.


Sta. Etelburga,
birhen,
ipanalangin mo
kami.