about us   archives    e-mail us   subscription








Oktubre
Martes


UNA SA LAHAT
Pinili ni Maria ang lalong mabuti, at ito ay hindi aalisin sa kanya. -Lucas 10:42

Nung ako ay nasa hayskul, pinili akong maging over-all director ng worship concert sa aming school. Fourth year ako noon at editor ng school paper. Nagsisilbi rin ako noon sa simbahan. Nanliit ako sa trabahong inatas sa akin dahil wala akong talento sa musika o karanasan sa pagdidirect. Ilang araw akong nagnilay-nilay sa harap ng Blessed Sacrament. Pakiramdam ko hanggang leeg na ang mga kailangan kong gawin.

Lalo ang naawa sa sarili ko nang makita kong marami palang dapat pakisamahan. Mga madre, guro, at estudyante. Sabi ng isang barkadang tumulong sa akin "Hayaan mo na sila, si Lord naman ang importante." Simula noon, binitawan ko na ang pag-aalala at hinayaan kong Diyos ang kumilos. Gabi ng concert, sabi ko kay Lord, "Ama, sasayaw at kakanta ako para sa Iyo." At alam kong nu'ung gabing iyon, bumukas ang langit at nandoon Siya, nakangiti at pumapalakpak sa aming pinamalas na talento sa pag-awit at pagsayaw. Arlynne R.


1 Basa: Galacia 1:13-14
Salmo 139:1-3, 13-15
Ebang: Lucas 10:38-42


PAGNINILAY:
Sa lahat ng mga mahal mo sa buhay, sino ang una sa listahan? sa lahat ng gawain mo at alalahanin, pang-ilan si Lord sa pagpapahalaga mo?


Pinili Kita sa lahat ng bagay at itinuring na higit na mahalaga at una sa buhay ko; Kalugdan Mo nawa ang pagpili ko sa Iyo.


San Maharsapor,
martir,
ipanalangin mo
kami.