about us   archives    e-mail us   subscription








Oktubre
Linggo


BABALIK SA YO
Sinumang magbigay sa inyo ng isang basong tubig dahil sa kayo'y kay Kristo ay tiyak na gagantimpalaan.-Marcos 9:41

Minsa'y napabilang ako sa mission team at kailangan kaming magdaos ng Christian Life Program sa Baguio. Hindi lang ang biyahe ang masaya dahil sa magandang tanawinkundi mas masarap ang naging pagtanggap sa amin ng mga taga-Baguio. Pagdating pa lang sa Camp Allen chapel, sigurado nang may dadatnang pagkain. May panaderya sila Bro. Lito at Sis. Claire. Lagi kaming may sample ng kailangang iba't ibang lutong tinapay.

"Huwag naman, bro, panay ganyan. Negosyo ninyo iyan. Baka malugi kayo," paalala namin sa kanya. "Para sa nga tagapaglingkod iyan, bro," simpleng sagot niya.

Totoo ngangang Panginoon ang nakaalam ng lahat. Sa kabila ng patuloy nilang pagkakaloob para sa BCBP, patuloy rin ang mga biyayang ipinagkakaloob sa kanila. Ang ibang mga kasamahan nilang negosyonte sa Baguio ay dumanas ng kahigpitan ng pera. Pero salamat sa Diyos, hindi sila gaanong naapektuhan. Ang iba'y hindi makabenta. Kahit paano, sila'y may benta. Nakita ko sa kanilang mag-asawa ang tunay na kahulugan ng pagiging bukas-palad. Obet O.


1 Basa: Bilang 11:25-29
Salmo 19: 8,10
12-14
2 Basa: Santiago 5: 1-6
Ebang: Marcos 9: 38-43,
45, 47-48


PAGNINILAY:
Bakit ka nag-aatubiling maglingkod sa Diyos? Lakasan mo lang ang iyong loob at pananalig, magtiwala kang ang Diyos na ang gagalaw.

Itinataas ko ang mga lingkod Mo, puspusin Mo sila ng Iyong Espiritu at gamitin sila sa pagtitipon ng Iyong nawawalang tupa; Ihanda ang puso nila at palakasin ang loob.


San Romano,
ipanalangin mo
kami.