about us   archives    e-mail us   subscription








Nobyembre
Huwebes


MAGING TOTOO KA, SISTER
Isinabog Niya ang salapi ng mga namamalit at pinagtaob ang kanilang mga hapag. -Juan 2:15

Kagagaling ko lang sa prayer meeting ng Tabitha sa Correctional Institute for Women nang malaman kong umalis ng bahay ang bago kong katulong na si Gemma. Walang paalam na namasyal sa kamag-anak.

Nagalit ako. May mga plano akong nasira nang hapong yon dahil wala si Gemma na mag-aalaga ng anak ko.

Tumawag si Gemma ng gabi at sa telepono'y inilabas ko ang aking galit. Sabi ko'y galit ako hindi sa kanya kundi sa kasalanan niya. At inisa-isa ko ang mga kasalanan niya at epekto nito. Pero syempre, kahit ako'y 'totoo," kahit ako'y galit ay may dignidad pa rin. Hindi ako nagmura o sumigaw. Hindi rin ako nagbagsak ng telepono.

May mali di ako. Bago pa ma'y hindi ko nasabi ang mga alituntunin sa day off. Walang batas. Walang alituntunin. Kaya'y ang mga taong gaya ni Gemma ay nakakagawa ng kamalian dahil hindi alam kung ano ang tama at mali. Sa telepono, inisa-isa ko ang mga dapat niyang sundin ukol sa day off.

Humingi siya ng tawad. Pinatawad ko't sinabing huwang nang mauulit ito. Tapos na ang drama. Maluwag na ang dibdib ko. Nakatulog ako ng mahimbing. Salamat sa Diyos. Art D.


1 Basa:Ezekiel 47:1-2,8-9,12
Salmo 84:3-6,8,11
2Basa: Corinto 3:9-11,16-17
Ebang: 2:13-22


PAGNINILAY:

Ang galit ay parang apoy. Puwedent makapagluto ng pagkain o makasunog ng bahay. Puwedent makapagturo ng tamang asalo o makasira ng relasyon.


Panginoon, sana'y huwag Kang magalit sa akin, sa katigasan ng ulo ko, gaya ng galit Mo sa templo.


San Viton,
obispo,
ipanalangin mo
kami.