about us   archives    e-mail us   subscription








Nobyembre
Miyerkules


PASANIN ANG KRUS
Ang sinumang magpasan ng sariling krus at sumunod sa Akin ay hindi maaringalagad ko. -Lucas 14:27

"Titigan mo ang krus. Sa krus na iyan inalay ni Hesus ang kanyang sarili para sa atin. Diyan Niya pinasan ang mga kahihiyan, panlalait, kayabangan, at kasalanan ng mundo. Siya ang Tagapagligtas ng sangkatauhan. Nguni't ang pagsunod ay may kaakibat na pagpapasan ng krus. Sapagka't sa krus ginapi ni Hesus ang kasalanan. Ginapi rin Niya ang kamatayan. Muli siyang nabuhay!"

At ngayon, eto ako. Nagpapasan ng aking krus sa kabila ng kahirapan at takot. Nagbibigay ng panahong mabuo ang nasirang buhay naming magkakapatid. Pinagtagpi-tagpi ang wasak na nakaraan sa pagmamahal sa ina at kapatid ko. Unti-unting itinalaga ang aking sarili sa Diyos at inihayag ang lahat kong kapangitan upang mabago ang malinis nang lubusan.

At sa araw-araw, nagpapasan ng aking krus at ng aking kapwang nahihirapan. Salamat sa CMY at sa Shepherd's Voice Publications na naglilimbag ng GABAY at naging kasangkapan sila sa paghahatid ng Salita ng Diyos sa akin. Salamat sa mga tagasunod na buong pusong naglilingkod bilang alagad ng Diyos sa ikaliligtas ng marami. Art D.


1 Basa:Filipos 2:12-18
Salmo 27;1,4,13-14
Ebang: Lucas 14:25-33


PAGNINILAY:

Ako ba'y tapat na tagasunod ni Hesus? Malugod ko bang pinapasan ang krus na itinalaga sa akin ng Diyos.


Panginoon, turuan Mo akong sumunod sa Iyo, pasanin ang aking krus, at maging tapat na alagad Mo; sa Krus Mo pinasan ang sala ko at naging tapat na Tagapagligtas ko.


San Diosdado,
papa,
ipanalangin mo
kami.