about us   archives    e-mail us   subscription








Nobyembre
Martes


MAGLINGKOD
Mapalad ang makakasalo sa hapag sa kaharian ng Diyos. -Lucas14:15

First quarter ng 1997, tinawag na ako ng Panginoon para mag-serve. "Hindi pa panahon . . . napaka-hectic ng schedule ko." Pagkaraan ng dalawang buwan, tinawag akong muli. Marami pa akong inaasikaso, hindi ko kaya. May nagpayo sa akin na ipaayos ko kay Lord and schedule ko.

Noong araw ding 'yon, sabi ko, "Sige na nga, Lord. Magse-serve ako "pag nakakita na ako ng lilipatan kong trabaho na walng pasok tuwing Sabado. Dagdagan Mo pa ng bonus…at maraming benefits."

Agosto 4, 1997. Problema ang dumating. Naospital si Mommy, walang mag-aalaga sa ama ko, maraming deadline sa opisina…"Lord, hindi ito ang hiningii ko."

Salamat sa community na ginamit ni Lord dahil niraos kong lahat ang problema ko. Nailabas si Mommy ng ospital, siya ring araw kung kailang natanggap ako sa bagong trabaho. May eksamen na lang daw ako para maging pormal ang hiring sa akin…"Lord, maganda roon, walang pasok, 'pag Sabado at maraming benefits."

Kaya pala ako nagkaroon ng mga pagsubok dahil magagamit ko ang mga iyon sa paglilingkod sa Diyos. Kailangna kong maging matatag. Art D.


1 Basa:Filipos 2:5-11
Salmo 22:26-32
Ebang: Lucas 14:15-24


PAGNINILAY:

Ilang beses ka na bang tinawag ng Panginoon para mag-serve? Kailang mo Siya sasagutin?


Panginoon, salamat sa pagpili Mo sa akin; Ngayon ko lalong naramdaman ang pagmamahal Mo dahil sa mga biyaya at pagsubok na ibinibigay Mo.


San Herculano,
obispo, martir,
ipanalangin mo
kami.