about us   archives    e-mail us   subscription








Nobyembre
Lunes


BAD INFLUENCE
Ipagmalasakit ninyo ang kapakanan ng iba, hindi lamang ang sa inyong sarili. -Filipos 2:4

Kung minsan, tayong mga nakatatanda ay may natututunan din sa mga nakababata. Isang kaibigan ang nagkuwento ng isang karanasan, bunsong anak pa niya ang nagturo ng wasto.

Si Carlo ay may kalaro na magaspang ang pag-uugali, brusko, hindi marunong gumalang at bastos. Dahil dito, pinasabihan ng ama na iwasang makisalamuha sa batang ito. Sino mang ama ay gayon din ang magiging payo sa kanyang anak upang ilayo sa masamang impluwensiya. Subali't taliwas sa inasahang pagtugon ng anak ang narinig ng ama.

Malumanay na sagot ni Carlo, "Papa, hindi ba tayo'y nasa renewal na? Itong kaibigan ko na pinaiiwasan mo sa akin ay dating maraming kalaro. Ngayo'y ako na lang ang natira dahil sinunod ng iba ang payo ng kanilang mga magulang na layuan siya. Kung susunod di ako sa inyo, sino pa ang makikisama sa kanya? Hindi kaya mas mabuting sa halip na layuan siya, pagtulungan na lang nating akayin siya sa mabuting asal?" Art D.


1 Basa:Filipos 2:1-4
Salmo 131:1-3
Ebang: Lucas 14:12-14


PAGNINILAY:
Lumingon tayo sa paligid natin, sino ang naghihintay ng unawa at kalinga? Pag-ukulan mo ng pansin.


Panginoon, tunay ngan maraming katotohanan ang inililihim Mo sa mga pantas at marurunong na tao; Subali't ipinababatid Mo sa mangmang at batang tulad ni Carlo.


San Barlaan,
abot,
ipanalangin mo
kami.