about us   archives    e-mail us   subscription








Nobyembre
Linggo


MAKA-BUHAY
Ibigin mo ang inyong kapwa gaya ng iyong sarili. -Marcos 12:31

Pro-life o pro-choice. Pag-galang sa Pagpili ng Buhay. Noon nag-uumpisa pa lang kaming magpamilya sa nagkukumahog kaming malampasan ang hirap ng buhay, ayokong may maraming anak.

Maraming mga ina ang nakakalimot sa kahalagahan ng buhay. Maramin mga dalagang aksidenteng nabubuntis ang ayaw maging dalagang ina at pikit-matang ipinalalaglag ang sanggol sa kanilang sinapupunan. May mga natatakot na dumami ang anak, o kaya naman bunga ng maling pag-ibig o pangangaliwa.

Dalaga man o may asawa, pilit no pinapaniwala ang sarili na dugo lang ang pumipintig sa kanilang sinapupunang at hindi munting sanggol. Nagpapatunay lamang at hindi kataka-takang kulang na kulang ang pagmamahal sa ating lipunan. Pababa nang pababa ang moral ng maraming tao at marami rin ang wala nang galang sa buhay. Tuloy, dumarami ang bilang ng nasa kulungan.

Paano natin susundin ang utos ng Panginoon na mahalin ang kapwa gawa ng sarili kung ang ina na siyang pinakamalapit sa puso ng anak ay nagagawang patayin ito? Tess S.


1 Basa: Deuteronomio 6:2-6
Salmo 18:2-4,47,51
2Basa: Hebreo 7:23-28
Ebang: Marcos 12:28-34


PAGNINILAY:

Ang iyong anak ay biyaya ng Diyos. Siya ang nagbigay dito ng buhay at kaluluwa, mahalin mo't alagaan. Huwag mong ipa-abort.


Ama, ang mga anak nami'y kapwang malapit sa aming puso, kahit silay nasa sinapupunan pa lamang. Punuin Mo ang puso ko ng pagmamahal sa aking mga anak at mahal sa buhay.


Sta Bertilia,
birhen
ipanalangin mo
kami.