about us   archives    e-mail us   subscription








Nobyembre
Linggo


TULOY ANG LABAN
...upang matulungan kayong makapagpatuloy...-Filipos 1:25

"Diyos na maaari Mo na akong kunin," wika ko sa Diyos sa pagitan ng buntung-hininga, nasa ICU ako ng St. Luke's noong nakaraang taon. Dugtong ko pa, "Nagbigay naman ako sa Iyo ng sampung anak na pinaghirapan kong palakihin; ng asawang buong puso kong tinanggap, minahal, pinatiyagaan at pinakisamahan; nagdanas ng hirap at marami pang sakrispisyo. Handa na akong humarap sa 'Yo. Handang-handa na ang kaluluwa ko."

Ako na rin ang sumagot sa kahilingan ko. Naging duwag ako anumang nais ipagawa ni Kristo. Ang kantang I have Left Everything Just to Follow You ay tumaginting sa aking puso't isip. Mahaba-haba rin ang nilakad ni Hesus patungong Kalbaryo at tatlong beses pang nadapa, nguni't hindi sumuko. Bagkus nagpatuloy na upang matupad ang Kanyang misyon.

Sa bawa't patak ng destrose sa bote papunta sa mga ugat ko, pumapatak din ang pawis sa mukha ko habang sinasamahan ako ni Kristo sa aking paglalakbay-diwa. Unti-unti, nagkaroon ako ng buhay. Kailangan ko pang lumaban dahil kasama ko Siya at tinutulungan Niya ako. Naty L.


1 Basa: Filipos 1:18-26
Salmo 42:2-3, 5
Ebang: Lucas 14:1
7-11


PAGNINILAY:
Huwag kang susuko sa anumang klaseng laban. Ituloy mo lang, may kakampi ka, hindi ka Niya ipagkakanulo, si Kristo.


Hayaang Mong Banal Mong Dugo ang dumaloy sa buo kong katauhan; Tatanggapin ko ang Iyong kapatawaran nang buong kagalakan.


San Juan atbp.,
ipanalangin mo
kami.