about us   archives    e-mail us   subscription








Nobyembre
Huwebes


SIMPLENG BUHAY
Agad nilang iniwan ang bangka at ang kanilang ama at sumunod kay Hesus. -Mateo 4:22

Labis akong humanga sa dalawang mangingisda sa nasabing Ebanghelyo. Iniwan nila ang bangka at ang kanilang ama at sumunod kay Hesus.

Maaga akong naulila kaya wala akong nagawa ng iwan ako ng aking ama at ina para sa Panginoon. Ngunit maraming bagay din ang iniwanan ko para sa Kanya. Kasama na rito ang aking trabaho at ang lahat ng luho na kayang ibigay nito. Wala akong nagawa dahil ang Diyos na ang kumilos at naglagak sa akin sa kalagayang wala akong magagawa kundi ang sumunod.

Unti-unti akong hinubaran ng mga bagay na nakapagpapayabong sa akin at hiniwalay sa akin ang mga taong malapit sa puso ko. Hindi ko matanggap ngunit kinaya ko at naging manhid ang damdamin at hindi ko maramdaman ang sakit sa pamamagitan ng alak at droga. Lumala ang sitwasyon ko.

Narito ako ngayon sa ANAWIM, salat sa mga materyal na bagay ngunit kumakain tatlong beses sa isang araw. Simple lang ang buhay ngunit may isang bagay na kaya kong ipagmalaki. Kasama ko ang Panginoon at siya ang aking paglilingkuran. Ria M.


1 Basa: Roma 10:9-18
Salmo 19:1-5
Ebang: Mateo 4:18-22


PAGNINILAY:
Nabibigatan ka na ba sa mga dala mo? Kailangan mo nga bang dalhin yan? Bitawan mo na at pasanin ang Krus ni Kristo.


Panginoon, maramaing salamat sa bagong pamumuhay na ipinamulat Mo sa akin; Patuloy Mo akong samahan at ituro mo sa akin ang daan patungo sa Iyong Kaharian.


San Andres,
ipanalangin mo
kami.