about us   archives    e-mail us   subscription








Nobyembre
Miyerkules


SEGURIDAD
Sa inyong pagtitiis ay tatamuhin ninyo ang buhay na walang hanggan. -Lucas 21:19

Mangiyak-ngiyak ang kausap ko. Ilang linggong hindi makatulog: siya, ang kanyang ina at nag-iisang kapatid. Na-ospital ang kanyang kapatid sa sobrang pag-aalala. Magsasara ang banko kung saan nakadeposito ang halo lahat ng kanilang pera. Napakalaking halaga!

May kasabihang huwag ilagay ang lahat ng itlog sa iisang basket. Natutunan ito ng kaibigan ko, pero mukhang huli na. Tayo? Saan nakalagay ang ating mga itlog?

Narito ang ilang mga "tips" na napulot ko tungkol sa seguridad:
1) Magsumikap ka! Magtiyaga ka! (May dumating mang bagyo, alam natin na sa trabaho at pagtitiyaga, makakahon din tayo.)
2) Mag-ipon ka, laging mas maliliit ang gasto sa kita para may 'huhugutin" 'pag umuulan.
3) Huwag ilagay sa isang basket ang lahat ng mga ipon - iba't ibang bangko o investment para mas sigurado.
4) At pinakaimportante sa lahat: manalig sa Panginoong Diyos, Sa Kanya, Makakasiguro ka!

Oo, si Hesus ay "Subok na matibay, subok na matatag!" Ikaw, active pa ang account mo sa Kanya? Nimia G.


1 Basa: Pahayag15:1-4
Salmo 98:1-3, 7-9
Ebang: Lucas 21:12-19


PAGNINILAY:
Ialay sa paanan ng Panginoon ang lahat ng ating ari-arian at kayamanan... kung gagamitin natin ang mga ito ayon sa Kanyang kagustuhan, palalaguin Niya ito.


Kahit sanlibo ay mabigo, bundok man ay gumuho, kay lakas at kay tapang ng ating Diyos!


San Saturnino,
obispo, martir
ipanalangin mo
kami.