about us   archives    e-mail us   subscription








Nobyembre
Martes


WASAK NA PAMILYA
Guro, kailan po ito mangyayari? -Lucas 21:5

Isa akong bungisngis at masayahing tao, hindi ka maiinip o mababagot kapag ako ang kausap mo. Sa liko ng maskara kong ito'y isang malungkot na nakaraan. Hindi ko kasi matanggap na ako'y isa sa mga biktima ng broken home. Sinisi ko ang Diyos. Tanong ko sa Kanya kung bakit naging biktima ang pamilya namin.

Unti-unti kong nakita na sa lahat ng nangyayari sa buhay natin, masakit man o masaya - may plano ang Diyos. Kaya nga ako napasok sa seminaryo'y upang ipagdasal na mabuong muli ang aming pamilya, kasabay ng kuya ko.

May ibang kinakasama ang aking ama at ina. Ngayon, may bunga na ang pagmamahalan ng aking ina at ng kanyang pangalawang asawa. Lumaki at nagka-isip ang half brother kong hindi nagisnan ang kanyang ama dahil iniwan din sila nito matapos mangibang-bansa. Itinuring kong mahigpit pa sa tunay na kapatid ang bata. Ako ang tumayong ama niya.

Kahit imposible, patuloy ko pa ring ipinagdarasal na mabuo ang aming pamilya. Kung wasak ang pamilya, paano pa tayo makabubuo ng isang matatag na simbahan ng Diyos? Bro. Allan S.


1 Basa: Pahayag 14:
14-19
Salmo 96:10-13
Ebang: Lucas 21:5-11


PAGNINILAY:
Biktima ka ba ng ganitong suliranin? Maging matatag ka dahil may plano ang Diyos sa iyo. Kung buo pa ang pamilya mo, huwag mong hayaan mawasak ito. Ipagdasal ang mga pamilya sa buong mundo.


Panginoon, huwag Mo nang hayaan pang madagdagan ang katulad kong biktima ng wasak na pamilya. Bigyan ng katatagan ang mga nasa ganito ring kalagayan.


San Esteban,
ang nakababata, martir
ipanalangin mo
kami.