about us   archives    e-mail us   subscription








Nobyembre
Lunes


GALANTENG LABANDERA
...ngunit ibinigay ng batang iyon na dukhang-dukha ang buo niyang ikabubuhay. -Lucas 21:4

Kapitbahay, kababata at kaibigan ko si Toto, anak ni Aling Sepang labandera. Hindi na nakagisnan ni Toto ang ama. Tanging sila lamang ng ate niya t nanang ang sama-samang nabubuhay. Masipag si Toto, masunurin at hindi palaaway. Nakakalaro lamang namin siya kung tapos na ang pagtulong niya sa kanyang nanay. Nagsasampay, nagsasaing, namamalangke pero humigit-kumulang lamang siya sa sampung taon. Mahusay magturo sa anak si Aling Sepa.

Minsan, nagkaroling ang mga tinedyer sa amin at dinig na dinig ko ang usapan nila. "Samantalang ang mga mayayaman na may malalaking bahay ay maliliit na halaga lamang ang ibinibigay, si Aling Sepa'y nagbigay ng katumbas ng maghapon niyang kita."

Naging daan ito upang ang ilang kapitbahay na walang katulong ay kay Aling Sepa na nagpalaba. Lumapit ang mga parokyano niya at si Toto naman, nang lumao'y pinalad mag-US navy. Nalipat sa ibang lugar sina Aling Sepa at tumigil na rin siya sa paglalabada.

Tunay nga palang binibigyan ng Diyos ang mga taong mapagbigay. Art D.


1 Basa: Daniel 7:13-14
Salmo 93:1-2,5
2Basa: Pahayag 1:5-8
Ebang: Juan 18:33-37


PAGNINILAY:
Barya ba kung maglimos ka sa simbahan? Pasimbahin mo naman ang perang papel! Nasisikipan na yan at hindi makahinga sa wallet mo!


Turuan Mo kaming maging bukas-palad, Ama, hindi lamang upang tumanggap ng Iyong biyaya kundi para magbigay at magbahagi sa kapwa ng biyayang mula sa Diyos.


San Segundino,
obispo,
ipanalangin mo
kami.