about us   archives    e-mail us   subscription








Nobyembre
Linggo


LAKASAN LANG NG LOOB
Nakikinig sa Aking tinig ang sinumang nasa katotohanan. -Juan 18:37

Nababalisa ako sa traysikel drayber na laging umiistambay sa tapat ng bahay ng kapitbahay ko. Noong una, ang akala ko'y magnananakaw, liligaw pala sa katulong nila. Napansin ko rin ang kapag aalis na patungong opisina ang mga amo, saka ito darating. Alam na alam ang iskedyul nila.

Sasabihin ko ba sa kapitbahay ko ang nangyayaring ligawan o pababayaan ko na lang? Kung sasabihin ko, baka namanmapalayas ang katulong at bigla silang mapilayan dahil may dalawa silang anak na maliliit. O baka 'di malauna'y makapasok ang drayber sa loob at kung ano ang mangyari. (Maraming pangyari dito sa amin sa Laguna na napapatay ang katulong matapos pagsamantalahan at nakawan.)

Ipinagtapat ko kay Sed (*di tunay na pangalan ) ang lahat. Sinabi ko na ipagdasal niya ang kaligtasan nilang lahat pati na ang may asawang traysikel drayber. Tuwang-tuwa siyang nagpasalamat at sinunod ang payo ko. Nangako naman daw ang katulong niya na 'di na papapuntahin ang manliligaw. Aktibo rin pala si Sed sa mga gawaing espiritwal sa Mindana. Lulu V.


1 Basa: Daniel 7:13-14
Salmo 93:1-2,5
2Basa: Pahayag 1:5-8
Ebang: Juan 18:33-37


PAGNINILAY:
Narinig mo nang umiiyak ang bata sa kapitbahay mo dahil pinapalo ng katulong, hindi mo pa ipagtapat sa amo. Pananagutan mo ito sa Diyos, kapatid.


O Hesus ko, lakasan lang ang loob ang pagsasabi ng totoo; ihakbang lang namin ang aming mga paa ay di Mo kami bibiguin.


San Moises,
martir,
ipanalangin mo
kami.