about us   archives    e-mail us   subscription








Nobyembre
Sabado


BUHAY NA BUHAY
Ngunit ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay- sa Kanya ay buhay ang lahat. -Lucas 20:38

"Hindi ka nag-iisa." Ikaw ang tinutukoy ko! Ikaw ang tinutukoy ko! Ikaw na nagbabasa nitong Gabay. Pareho lang tayo. Noon kasi kung magdasal ako, mahaba na ang sampung minuto at tuwing dadalo ako sa Misa, lagi akong late kasi para akong napapso. Buong akala ko, pagkalayu-layo ng Diyos. At 'pag nagdarasal naman, parang nagsasalita ako sa hangin. Kaya madalas, hindi so Siya ma-feel. Nawalan tuloy ako ng gana sa kanya.

Ngayon may personal na relasyon na ako kay Hesus, masasabi kong buhay na buhay pala ang Diyos at lalong hindi siya malayo. Nasa tabi ko lang pala Siya tuwing magdarasal ako, pagpikit o ng mga mata ko at kausap siya. Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano: 'Yung niluluto, baka masunog; "Yung batang umiiyak." Masyadong maingay ang kalooban mo kaya hindi ka makaconcentrate.

'Pag nagdarasal ako, ramdam ko ang pintig ng aking puso. Pakiramdam ko'y kadikit ko ang aking first love. At napapaiyak pa ako sa tindi ng pagmamahal Niya. Gamitin ang imahinasyon mo. Buhayin si Lord sa iyong puso, ang Prince Charming ng buhay mo. Lydia A.


1 Basa: Pahayag 5:1-10
Salmo 149:1-6,9
Ebang: Lucas 19:41-44


PAGNINILAY:
Gusto mo ang ideal man? Matapat, maalalahanin, mapagmahal, guwapo, mayaman at maunawain? Kilala mo na Siya, walang iba kundi si Hesukristo!


Punuin Mo ako ng pag-ibig Mo, O Hesuskristo, at hayaan mong maramdaman ko ito sa bawat minuto ng buhay ko.


San Moises,
martir,
ipanalangin mo
kami.