about us   archives    e-mail us   subscription








Nobyembre
Biyernes


MAKINIG SA MISA
Ang aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan. Ngunit ginawa ninyong pugad ng mga magnanakaw. -Lucas 19:46

Mabilis akong magsimba ng anticipated Mass tuwing Sabado ng gabi kasama ang mga kabarkada ko noong high school. Nguni't puro tsismis at tawanan sa mga taong nagsisimba ang gawain namin.

Iginagala ko ang aking pansin sa mga taong nakapaligid sa amin. May nagliligawan, may mahalaga ang presensya ng magsing-irog kaysa kay Lord. May nagpapasikat at suot ang bagong sapatos o damit. May mandurukot. May nananantsing. May nagpapa-cute. At meron ding tinatamaan ni Kupid kahit noon pa lang nakita. Talo pa ang palengke.

May isang pagkakataon, habang nagbibigay ng sermon ang pari, pinagalitan kami ng isang matandang babae dahil sa ingay namin. Napahiya kami at dahil dito, nagalit pa ang isang kabarkada namin na sinaway kami. Nakonsensiya ako dahil alam kong talaga namang may karapatan silang magalit. Hindi man lamang kasi namin iginalang ang tahanan ng Diyos.

Simulo noon, buo na ang atensyon ko sa Misa tuiwng nagsisimba. Ang Panginoon lang ang kinakausap ko, hindi ang aking mga kasama. Marissa G.


1 Basa: Pahayag 5:1-10
Salmo 149:1-6,9
Ebang: Lucas 19:41-44


PAGNINILAY:
Gaano ka kadalas magsimba? Ituon mo lang ang atensyon sa pagdarasal at Misa.


Banal Mang presensya ay ramdam ko sa tahanan Mo sa lahat ng simbahan; Turuan akong igalang ang Misa at gawing lubos at taos-puso ang pagdarasal.


San Gregorio,
obispo,
ipanalangin mo
kami.