about us   archives    e-mail us   subscription








Nobyembre
Huewebes


ANG TUNAY NA PAGMAMAHAL
...sapagkat hindi mo pinansin ang pagdating ng Diyos upang iligtas ka. - Lucas 19:44

Nakatayo si Hesus sa tuktok ng bundok. Tumingin sa Kanyang paligid. Dahil malalim ang Kanyang kalungkutan, tumulo ang mga luha sa mga mata niya.

Wari ko'y hindi lamang para sa Herusalem umiiyak at nalungkot ang ating Panginoon. Wari ko ito'y para rin sa ating lahat at buong mundo.

Sa sandaling iyon, nalalaman Niyang ang sangkatauha'y magiging mapanghimagsik sa Diyos Ama: makamundo, makasarili, at nasisilaw sa salapi, kapangyarihan at katangyagan, nakakalimot sa kabutihan ng Panginoon.

Tunay man ito, mayroon akong tanong:

Bakit tuwing umaga, mayroon paring bukang-liwayway? Bakit may hangin pa rin tayong hinihinga, tubig na iniinom at mga prutas na bunga? Bakit pa rin nating nararansan ang biyaya at kabutihan ng Panginoon? At hindi ang Kanyang galit?

Dahil sa awa Niya't pagmamahal.

Dakila ang pagmamahal ng Panginoon, si Hesus ay nasa pagitan natin ang Ama umiiyak at humihingi ng kapatawarang para sa ating kasalanan. Sa kanyang daing, nababasbasan tayo ng biyaya ng Diyos Ama. Marissa G.


1 Basa: Pahayag 5:1-10
Salmo 149:1-6,9
Ebang: Lucas 19:41-44


PAGNINILAY:
Naibalik mo na ba sa Diyos ang awang natanggap mo sa kanya? Pa no?


Salamat Hesukristo sa Iyong awa at pagmamahal, Salamat Hesukristo dahil sa iyo, kami ay pinatatawag ng Diyos Ama; Sa iyong buhay, naipakita mo ang tunay na pagmamahal.


San Gregorio,
obispo,
ipanalangin mo
kami.