about us   archives    e-mail us   subscription








Nobyembre
Miyerkules


SI NANO
Mabuting alipin! Yamang naging matapat ka sa kakaunting bagay...-Lucas 19:17

Si Nano'y batang kalye at kadalasa'y makikita sa palengke. Araw-araw siyang humihingi ng tubig at pagkain sa amin. Dahil sa awa, inampon namin siya, minahal at inaruga na hindi niya naranasan sa inang nagkaroon ng ibang pamilya sa abroad. Sa edad na 13 taon, parang paslit na dikit nang dikit at yakap nang parang walang bukas.

Pero nabagot si Nano, lumabas ng buhay, uuri kung tapos na sa paglalaro, amoy pawis at nangingitim ang damit. Noong una'y masunurin at maamo, ngayo'y matigas ang ulo't napakakulit. Napagalitan ni Papa at umalis ng walang paalam.

Marahil niloob ito ng Panginoon. Isinama namin siya noon sa dasal at pagbabasa ng Biblia, nakilala niya si Kristo at Maria, at tinanggap ang pag-ibig nila ng buung-puso.

Huli kaming nagkita sakay sa dyip, marungis siya't nakapaa kasama ang kabarkada. Wika niya pagpara." Mama, para po, salamat po." Hindi ko kailanman narinig sa kanyan ito. Gusto ko siyang kausapin pero parang hindi na niya ako kilala. Nabalitaan naming nalaglag si Nano sa estribo ng dyip at namatay. Nalungkot ako nguni't alam ko ngayon, siya'y mas maligaya sa piling ng Diyos. Hindi na magugutom, ni mauuhaw, o malulungkot kailanman. Rolan M.


1 Basa: Zacarias 2:10-13
1Samuel 2:1, 4-8
Ebang: Mateo 12:46-50


PAGNINILAY:
Konting pangungutya lang yang natatanggap mo sa mga kaanak mo. Huwag kang masiraan ng loob. Ituloy mo ang laban.


Mahirap dalhin ang pamilya sa Renewal at akayin silang makipagrelasyon sa Iyo, O Kristo, Bigyan kami ng gasya at lakas ng loob at maakay sila.


San Gelacio,
papa,
ipanalangin mo
kami.