about us   archives    e-mail us   subscription








Nobyembre
Martes


PAMILYA
Nasa labas po ang Inyong ina at mga kapatid. -Mateo 12:47

Si Andrew ay kababata ko. Katulad ng ibang kabataan, siya'y naging biktima rin ng ipinagbabawal na gamot. Maagang namatay ang kanyang nanay at wala rin ang kanyang tatay kaya't wala siyang tumatayong magulang maliban sa kanyang kapatid. Ngunit nang mag-asawa'y tuluyan na rin siyang napabayaan hanggang sa malulong sa droga.

May nagmalasakit sa kanya at ipinagamot. Nang gumaling, naisama namin si Andrew sa aming community. Nakilala niya ang Panginoon at muli siyang nagkaroon ng pag-asa. Kami ang itinuring niyang pamilya; ang mga elders bilang mga magulang at kaming mga kabataan, bilang kanyang mga kapatid. Marahil ay hindi ron kami naging mabuting magulang at kapatid para sa kanyan, kaya't si Andrew ay muling nagrebelde. Umalis siya sa komunidad at muling nagumon sa droga hanggang sa tuluyan na siyang nasiraan ng bait dulot nito.

Ilang Andrew pa kaya ang mapapahamak dahil sa hindi natin pagiging tunay na saksi at ilang Andrew na ang hindi nakatagpo sa ating bilang isang tunay ma magulang at kapatid na Kristiyano? Rolan M.


1 Basa: Zacarias 2:10-13
1Samuel 2:1, 4-8
Ebang: Mateo 12:46-50


PAGNINILAY:
Konting pangungutya lang yang natatanggap mo sa mga kaanak mo. Huwag kang masiraan ng loob. Ituloy mo ang laban.


Mahirap dalhin ang pamilya sa Renewal at akayin silang makipagrelasyon sa Iyo, O Kristo, Bigyan kami ng gasya at lakas ng loob at maakay sila.


San Gelacio,
papa,
ipanalangin mo
kami.