about us   archives    e-mail us   subscription








Nobyembre
Lunes


MAHAL KO BA SI LORD?
Gawin mong muli ang mga ginagawa mo noong una... -Pahayag 2:5

Noo'y maalab at mainit ang pagmamahal ko sa Panginoon. Gabi-gabi'y abala akong dumadalo sa iba't ibang gawain ng komunidad. Prayer meeting, intercessory meeting, Bible study, chapter meeting, caring group meeting, at iba pa.

Nguni't nanlamig ako sa Kanya nang tumagal-tagal, hindi ako nakapagdasal at patuloy pa rin akong nagkasala. Dahil hindi nasasagot ang mga dasal ko, nagtampo ako kay Lord. Tinamad ako sa pagdalo. Sabi ng aking kaibigan, "Kapag gusto, may paraan, Kapag ayaw, may dahilan."

Committed by ako kay Lord? Bakit parang may pumipigil sa akin at hindi ako makaalis? Mahal ko ba Siya? Hindi ko alam. Walang lang akong puwedent kapitan kundi siya. Sa Kanya ako nanggaling at sa Kanya rin ako babalik.

Alam kong mahal ako ng Diyos higit pa sa pagmamahal ko sa Kanya. Lagi Siyang naghihintay sa aking pagbabalik-loob sa kabila ng aking mga kasalanan. Mahal ko si Lord dahil sa bawat pagkakamali'y naaalala ko pa ring magbalik-look sa Kanya. Dumadalo pa rin ako hanggang sa ngayon at pilit na namumuhay ayon sa kalooban Niya. Rowena C.