about us   archives    e-mail us   subscription








Nobyembre araw ng mga patay
Huwebes


SA PAGLISAN NIYA
Muling mabubuhay ang iyong kapatid...- Juan 11:23

Simple at payak ang pamumuhay nina Lolo Pitong at Lola Tale. Kulang sa pinag-aralan. Salat sa yaman nguni't mayaman sa pagmamahal. Lumaki ako sa piling nila. Hindi ko pansin ang hirap ng buhay dahil mahal nila ako. Hindi sila relihiyoso nguni't para sa akin dakila sila.

Ngayon, kapwa matanda na si lolo at lola. May kanser si Lolo Pitong. Sa tuwing dalaw ko, pine-pray over ko siya nang malakas upang kanyang marinig. Ginagabayan ko siya sa paghingi ng tawad sa Diyos at lagi kong hinihiling na tanggapin lagi nang maluwag sa puso ang nalalapit sa paglisan at matapos nawa ang kanyang paghihirap.

Isang araw, hindi na siya makapagsalita. Muli ko siyang ipinalangin at hiniling na muli naming marinig ang kanyang tinig bago siya pumanaw. Walang kasiguraduhan ang buhay. Nguni't umaasa ako na sa kanyang paglisan na itinakda ni Lord, naranasan niya ang muling mabuhay dahil baon niya ang patawad ni Lord. Tulad ni Dimas na katabi ni Hesus habang kapwa sila nakapako sa Krus. Nakilala niya at tinawag si Hesus bago pumanaw. Naranasan ni lolo ang pag-ibig Niya. Liza T.