about us   archives    e-mail us   subscription








Nobyembre
Sabado


SI MIMI C. KASI!
...ang iyong paglilingkod sa mga kapatid, kahit hindi mo kilala, ay nagpapatunay na tapat ka. -3Juan 5

Bakit nga ba ako sumali sa renewal? Samantalang noo'y matindi ang pagdududa ko sa mga Karismatik.

Si Mimi C ang dahilan. 'Pag kasama ko siya, feeling ko mahal niya ako, tinatanggap at hindi hinuhusgahan. Palagay ang loob ko sa kanya. Malakas talaga ang hatak ni Mimi sa tao. Hindi niya ako pinilit o inalok na sumali sa kapatiran niya - ako na mismo ang nagpalista. "Ika nga sa sales, "Kung gusto ka ng tao, gagawin niya ang lahat para makabili sa iyo. Kung inis naman sa 'yo, hindi siya bibili sa 'yo kahit anong pilit mo."

Nakita ko sa kanya ang katauhan ni Kristo. Nababakas sa kanyang mukha ang ilaw ng Diyos. Kaway lang niya, gumaganda ang pakiramdam ko. Madali niya akong nahikayat na sumali dahil tapat siya sa akin.

Gustuhin man ni Mimi o hindi, nakalista na siya sa talaan ng mga mahal ko sa buhay. Treasured friend ko siya. Aakalain mo bang noon nakalipas na dalawang taon ay estranghero kami sa isa't isa? . Rosanna MG.


1 Basa: 3Juan 5-8
Salmo 112:1-6
Ebang: Lucas 18:1-8


PAGNINILAY:
May kaibigan ka ba? Bakit wala kang kaibigang tumatagal sa yo?


Panginoon, salamat sa pagmamahal at pagtanggap mula sa mga taong noon una y estranghero sa buhay ko; Sa paglipas ng panahon, hindi kukupas ang kanilang katapatan.


San Maves,
abot,
ipanalangin mo
kami.